Sunday , November 24 2024

Pili Pinas 2016  Presidential Debate ng ABS-CBN, pumalo sa 40.6% na national tv rating (Pinakapinanood na Pili Pinas presidential debate!)

INABANGAN at tinutukan ng maraming Filipino sa buong              bansa ang huling paghaharap ng limang presidential candidates sa Presidential Town Hall Debate ng ABS-CBN noong Linggo (Abril 24), na pumalo sa national TV rating na 40.6%, base sa datos ng Kantar Media. Ito ang pinakatinutukang paghaharap ng mga kandidato sa Pili Pinas 2016 presidential debate series ng Commission on Elections.

Wagi ang ABS-CBN debate na ginanap sa Phinma University of Pangasinan laban sa mga katapat nitong programa, kabilang na ang 24 Oras Weekend (11.5%), Vampire Ang Daddy Ko (13.5%), Ismol Family (16.4%), at 2018 Oppo PBA Commissioner’s Cup (3.9%).

Panalo rin ito ng halow 17 puntos laban sa unang presidential debate ng GMA noong Pebrero 21, na nakakuha lamang ng 23.8%, pati na sa pangalawang presidential debate ng TV5 noong Marso 20, na nagtala lamang ng 8.5%.

Sa ABS-CBN Presidential Town Hall Debate na pinangunahan nina Karen Davila at Tony Velasquez, hinarap nina Vice President Jejomar Binay, Sen. Miriam Defensor Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Grace Poe, at dating Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang mga tanong ng bayan tungkol sa kanilang plataporma at mga paninindigan sa mga mahahalagang isyu sa lipunan.

Talaga namang pinag-usapan din ang debate online dahil nanguna sa buong bansa at buong mundo ang official hashtag na #PilipinasDebates2016 sa listahan ng trending topics sa Twitter.

Bumuhos din ang mga papuri sa ABS-CBN para sa format ng debate nito.

Ayon sa political analyst na si þ@NicoleCurato sa Twitter, “Congrats @ABSCBNNews for hosting a fantastic #PiliPinasDebates2016. The vignettes were very good counterpoint to platitudes & promises.”

Pahayag naman ni @CrisostomoJake, “The questions asked were highly intellectual. Congrats ABS for a great discussion of issues.”

Nag-post din si @DJBDavy ng “I have never been this active on Twitter. The last Presidential Debate is worth watching!”

Para naman kina @JewelsHRH at þ@maltiq, “The best debate so far. Congrats to ABSCBN. Great choice of Karen Davila and Tony Velasquez for moderators” at “Congrats to @ABSCBN! Your debate format tops! The Qs were spot on! Way to go for real issues!”

Ang Presidential Town Hall Debate ay inorganisa ng COMELEC, KBP, ABS-CBN, at Manila Bulletin. Napanood ito ng mga Filipino sa iba’t ibang media platform—ABS-CBN sa free TV, ANC, the ABS-CBN News Channel Ch. 27 sa cable TV, DZMM TeleRadyo sa digital television (ABS-CBN TVplus) at SKYcable ch. 26, DZMM 630 sa AM radio, ABS-CBNmobile sa cellphones, at sa pamamagitan ng livestreaming sa news.abs-cbn.com, mb.com.ph at iwantv.com.ph.

About Hataw News Team

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *