INIREREKLAMO ang isang personality dahil sa hindi makatarungang pakikitungo nito sa kanyang mga kasambahay. Paano’y kabaligtaran daw ang nakikitang pagka-sweet nitong personalidad na ito sa ugaling ipinakikita kapag nasa bahay na.
Kung gaano raw kaamo at ka-sweet ang personalidad na ito ay siya namang parang tigre sa bahay dahil grabe raw ito makahiyaw at makautos sa mga kasambahay.
Kaya naman hindi raw nagtatagal ang mga kasambahay sa bahay ni personalidad at madalas nasasabi ng mga ito na hindi naman pala totoo ang serbisyong totoo. ( HNT )