Thursday , June 4 2026

Dalagita tinurbo ng binatilyo

GUINAYANGAN, Quezon – Maagang nawasak ang puri ng isang 17-anyos dalagita makaraan gahasain ng 15-anyos binatilyo na kanyang kainoman sa nasabing bayan,

Sa ipinadalang report ng Guinayangan PNP sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon Police Provincial Director, dakong 10 p.m. noong Abril 19, nang malasing ang biktima sa pakikipag-inoman sa suspek kasama ng iba pang kabarkada sa isang kubo, nagpaalam ang dalagita na uuwi na sa kanilang bahay.

Ngunit nagmagandang-loob ang suspek na ihahatid ang biktima ngunit pagsapit nila sa madamong lugar ay niyakap siya ng suspek, sapilitang hinubaran at ginahasa.

Pagkaraan ay nagbanta ang suspek na may masamang mangyayari sa biktima kapag siya ay nagsumbong kahit na kanino.

Nitong Abril 25, nagpasya ang biktima na isumbong sa ina ang insidente.

Agad sinamahan ng ina ang biktima sa himpilan ng pulisya ngunit mabilis na tumakas ang suspek nang matunugang inireklamo siya ng dalagita.

Raffy Sarnate

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …