Sunday , December 22 2024

55 bagong sasakyan inilaan ni Roxas sa PNP

091114 mar roxasPINANGUNAHAN ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang turnover ng 55 bagong Toyota High-ace Vans sa Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng kanilang capability enhancement program.

Ayon kay Roxas, ibabahagi sa mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang karamihan sa mga van dahil pangunahin nilang kailangan ang sasakyan tuwing may mga operasyon.

“Ang bawat rehiyon, magkakaroon nito,” paglilinaw ni Roxas.

Ayon sa PNP, magiging malaki ang tulong ng sasakyan sa mga pulis lalo na sa pagganap sa kanilang mga tungkulin, sa kanilang pagpunta sa iba’t ibang lugar, at sa agarang pagresponde sa mga insidenteng nangyayari sa buong bansa.

Bukod sa SOCO, makatatanggap din ng mga sasakyan ang mga direktor sa National Headquarters, pati ang mga national support units gaya ng Anti-Kidnapping Group (AKG), Anti-Cybercrime Group (ACG), Aviation Security Group (ASG), Crime Laboratory Group (CLG) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Nasa post-qualification stage na rin ang 1,470 bagong patrol jeepneys na nakatakdang idagdag ni Roxas sa mga sasakyang matatanggap ng buong PNP mula sa pamahalaan.

Nagkakahalaga ng P1.411 bilyon ang kabuuang inilaan ng gobyerno sa pagbili ng mga bagong sasakyan ng PNP na ipamamahagi sa lahat ng munisipalidad sa buong bansa.

“Ang bawat bayan ng ating bansa ay magkakaroon ng minimum (na) isang patrol jeep in the next 12 months,” ani Roxas.

Nilinaw rin ni Roxas na mahalaga ang mga patrol jeep dahil maaari itong gamitin sa pagpuksa sa kriminalidad, sa pagsasagawa ng medical evacuations at sa disaster response.

Na-road test na rin ng PNP ang mga nasabing sasakyan upang masiguro na nasunod ang car specifications na kanilang ibinigay.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *