Thursday , June 4 2026

Rabies sa Davao City tumataas  

101114 dog lazarus  lethal injectionTUTUTUKAN ng Department of Health (DoH) ang tumataas na kaso ng mga nakakagat ng aso sa Davao City makaraan iulat na 22 katao ang namatay noong 2014, mas mataas sa 16 kaso noong 2013.

Ayon kay Devine Hilario, DoH Regional Office program officer, hindi dapat isantabi kung nakagat ng hayop kahit maliit lamang ito.

Aniya, nakalulungkot na karaniwan sa mga namatay ay dahil hindi nagpabakuna nang makagat sila ng alagang aso.

Sa datos ng DoH, 33,009 ang naitalang nakagat ng aso sa Davao noong nakarang taon, mataas sa 20,684 noong 2013, ito ay sa kabila nang agresibong kampanya ng ahensiya laban sa animal rabies.

Target ng DoH na maideklarang rabies-free ang bansa pagdating ng 2016 ngunit nakalulungkot aniya na marami pa rin ang nabibiktima.

Nabatid na noong nakaraang taon, dapat maidedeklara nang rabies free ang lalawigan ng Palawan ngunit hindi ito natuloy nang makapagtala ng isang kaso ng namatay dahil sa kagat ng aso.

Paalala ng DoH, kritikal ang 24 oras sa isang nakagat ng aso kaya dapat ang agarang pagpapabakuna.

Posible anilang sa loob ng 48 oras makaraan makagat ng aso ay magresulta ito sa pagkamatay ng biktima, kaya hindi dapat balewalain ang kagat ng aso.

“Persons bitten by animals must seek post-vaccination immediately at first bite. If they are bitten again or for every exposure, they can be given only booster dose. High incidence rate can be cut down if pet owners were more responsible,” pahayag ni Hilario.

Aniya, libreng ibinibigay sa LGUs ang anti-rabies vaccine kaya hindi dapat mag-atubili ang mga nakakagat ng hayop, para  magpabakuna.

Sa talaan ng World Health Organization, kasama ang Filipinas sa 10 bansa na may mataas na kaso ng rabies.

Nabatid na 200 hanggang 300 katao ang namamatay kada taon dahil sa kagat ng aso at 1/3 ng mga namamatay ay mga bata na may edad 15 anyos pababa.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …