Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystal Herbal Oil Krystall Yellow Tablet

Lunas sa namamagang paa natagpuan sa Krystall Herbal Oil at Krystall Yellow Tablet

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Renato Estanislao, 38 years old, isang delivery rider, kasalukuyang naninirahan sa Sta. Maria, Bulacan.

         ‘Yun na nga po, namaga o namanas ang aking paa. Marami ang nagpayo uminom ng ganito, maglaga ng ganoon at marami pang iba. Sinunod ko naman po, kasi sabi ko wala naman mawawala. Pero ako, mabigat pa rin ang aking paa at kitang-kita ang pamamaga.

         May nagsabi naman, itaas ko raw sa tanghali after meal. E paano ko naman po maitataas ang paa ko e nasa kalye pa ako at nagde-deliver. Ang ginawa ko po, sa gabi ko itinataas, bago matulog, sa loob ng 30 minuto.

         Nakatutulong naman, nababawasan ang manas pero hindi tuluyang umiimpis. Kaya sabi nila ipa-doktor ko raw. Pumila ako sa center, mabuti naman po at may doktor, niresetahan po ako ng pampaimpis tapos binigyan ako ng mga lab requests.

         Nakabili po ako ng gamot, pero mahigpit ang bilin na kalahating tableta lang isang beses isang araw sa loob ng  tatlong araw tapos “stop” na. Bumalik kapag nakainom na.

         Mahusay po ang gamot, nawala nang tuluyan ang pamamanas ng aking paa. Bukod doon, normal po lahat ang aking lab test, so ang sabi ng doktor baka dahil sa pagmomotorsiklo kaya namaga.

         Pero ngayon po, bumabalik na naman ang pamamaga ng aking mga paa, umiwas na ako sa fatty foods, maalat, at iba pa, pero pansin ko na naman ang unti-unting pagbigat ng aking paa.

         Hanggang payohan po ako ng aking kapatid na babae na mas mainam kung maghaplos ako ng Krystall Herbal Oil. Ipinakita niya sa akin sa online ang mga branches na puwede kong mabilhan ng Krystall tapos sabi niya samahan ko raw ng Krystall Yellow Tablet na puwede kong inumin every meal (3x a day) hanggang lumuwag o gumaan ang pakiramdam ng aking mga paa.

         Agad po akong bumili at sa unang araw pa lang po ng paggamit ko ng mga produktong Krystall  ay ramdam ko na agad ang mga pagbabago sa aking katawan.

         Sa gabi bago itaas ang aking mga paa ay 15 minuto kong hinahaplos ng Krystall Herbal Oil. At kahit nagde-deliver ako, may dala akong Krystall Herbal Oil para sa aking pangangilangan, in case of emergency.

Maraming salamat po Sis Fely, dahil sa inyo, sa mga itinuturo ninyong kaalaman sa radyo, at sa inyong mga imbensiyon napapangalagaan namin nang maayos ang aming kalusugan.

May God blessings be upon you dahil ramdam namin ang inyong malasakit sa inyong mga suki at tagasubaybay.

Sumasainyo,

RENATO ESTANISLAO

Sta. Maria, Bulacan

P A A L A L A

Ang FGO Herbal Foundation po ay magkakaroon ng libreng seminar, libreng konsulta, libreng Krystall stone test (Natural way of healing Back to Basic, Back to Nature) sa darating na July 2, 2025 araw ng Miyerkoles na gaganapin sa VM Tower-727 Roxas Blvd Corner Airport Road, Baclaran, Parañaque City.

Magsisimula sa oras na ala-una (1:00 pm)

hanggang alas singko ng hapon (5:00pm).

Para sa karagdagang katanungan maaari po kayong tumawag sa Telepono #8853-0917 o mag txt sa cp#09152972308/09617160478

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …