Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Manuel Macalino, 38 years old, isang delivery rider, kasalukuyang naninirahan sa Montalban, Rizal.

         Gaya nang dati, nandito na naman ang panahon na hindi lang init kundi may panganib na ma-heat stroke ang mga gaya naming maghapong bilad sa araw.

         Iba po kasi ang init ngayon, hindi lang init sa tindi ng sikat ng araw. Mainit ang hangin na dumadapyo sa mukha, at mainit din ang hangin na aming nahihinga, kaya wala kaming ginhawang nadarama.

         Hindi naman kami makatambay sa mga mall kasi tiyak patay ang hanapbuhay. Hindi rin namin puwedeng iwan na lang motorsiklo kasi baka manakawan pa kami.

         Mabuti na lang lagi akong natuturuan ni misis kung paano pasisingawin ang init sa katawan bago pumasok sa mall kapag may mga dapat pick-up-in sa restaurant.

         Ang unang instruction niya, huwag muna pumasok, basain muna ang bimpo, para ipunas sa mukha, sa batok at sa mga braso.

         Ang pinakamainam na turo ni misis, kapag ramdam ko na parang nanlalamig ang aking katawan pero napakainit kailangan ko nang maghaplos nang maghaplos ng Krystall Herbal Oil.

         Haplos sa batok hanggang sa likod, sa braso, sa tiyan, sa binti. Huwag tumigil nang kahahaplos hangga’t hindi bumabalik sa tamang temperatura ang aking katawan. Mabuti na lamang at mayroon nang mga lounging area para sa mga delivery rider. Kaya nagagawa ko ang ganitong seremonya.

         Lagi po akong pinababaunan ni misis ng Krystall Herbal Oil bilang proteksiyon upang hindi ako mabiktima ng heat stroke. Kung tutuusin po  ay tatlong beses na akong inililigtas ng Krystall Herbal Oil sa Heat Stroke, kaya malaking-malaki po ang pasasalamat ko sa inyo Sis Fely.

         Nawa’y patuloy kayong pagpalain Sis Fely, siksik, liglig na pagpapala mula kay Yahweh El Shaddai para patuloy kayong makatulong dahil sa inyong mga imbensiyon.     

         Muli maraming salamat po.

MANUEL MACALINO

Montalban, Rizal        

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …