Thursday , June 4 2026
kati batok, Krystall Herbal Oil

Sugat at pangangati sa matapang na detergent tanggal pati peklat sa Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Magandang araw po sa inyong lahat.

         Ako po si Melanie Espiritu, 38 years old, nagtatrabaho sa isang laundromat sa Tondo, Maynila.

         Ako nga po ay nagtatrabaho sa isang laundromat na gumagamit ng coins. Pero minsan, pinagsa-sideline kami ng boss namin kapag may nakikiusap, lalo ang mga working mother, na ipaglaba at ipagtiklop sila tapos dadaanan na lang pag-uwi sa hapon o sa gabi.    

         Pero minsan, nadale ako ng matapang na detergent. Nangati nang husto ang ibabaw ng aking kamay kaya kinamot ko. Hindi nawala ang pangangati bagkus namula at humapdi hanggang magkasugat.

         Bukod diyan, nanuyo rin ang balat ko. Totoong nag-worry ako, pero naisip ko rin agad ang Krystall Herbal Oil kaya agad kong pinahiran ang aking  mga kamay.

         Ang una kong napansin, parang natuyo agad ang herbal oil sa kamay ko kaya naghaplos ulit ako, mabilis ulit na natuyo. Sa ikatlong beses na paghahaplos ko, napansin ko na parang nawala ang pagkabanat ng skin ko at pagka-dry.          Medyo natuwa ako.

Bago natulog, muli kong hinaplos ng Krystall Herbal Oil ang aking mga kamay. Pagkagising ko kinaumagahan, ang una kong napansin, hindi ako nahirapang iunat ang aking mga kamay at pagsalat ko sa bahaging nasugatan ay nabawasan ang gaspang.

Hanggang ngayon ay may mga naiwan pang sugat pero halos pagaling na, habang ang mga peklat ay mabilis na pumupusyaw.

Maraming salamat Sis Fely Guy Ong. Dahil sa inyong napakahusay na imbensiyon — ang Krystall Herbal Oil — ay hindi lumala ang allergy na nakuha ko sa matapang na detergent.

Sis Fely, wish ko po na patuloy kayong basbasan at biyayaan ng karunungan ng Panginoong Diyos, para higit na makatulong sa mga suliraning pangkalusugan.

God bless you always po.

MELANIE ESPIRITU

Tondo, Maynila

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Victory Liner Electric Bus e Bus

Victory Liner iginagalang suspension order ng LTFRB

KINIKILALA ng Victory Liner ang preventive suspension order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board …

Albee Benitez Bojie Dy

Speaker Dy, pamunuan ng Kamara pinuri Deputy Speaker Benitez  
MATAAS NA TRUST RATING KREDITO SA TINUPAD NA MANDATO NG KONSTITUSYON

ni GERRY BALDO PINURI ni Deputy Speaker at Bacolod Lone District Rep. Alfredo “Albee” Benitez …