Thursday , June 4 2026
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Warts sa gilid ng ilong natuyo, nabakbak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               I’m 49 years old, working in a wellness center, specifically on facial skin care, kaya naman nag-alala ako nang husto nang magkaroon ako ng warts sa gilid ng ilong. Ako nga po pala si Darius Medina, member of LGBTQ.

‘Yun nga po, akala ko nga noong una, pimple lang, pero hindi nahihinog at magaspang. Ayaw ko namang ipasunog kasi inisip ko baka magkaroon ng maitim na peklat. Sa totoo lang ilang gabi rin akong nag-alala.

Hanggang isang araw, sinabi ng isang kaibigan kong masseur na i-try ko raw ang Krystall Herbal Oil ng FGO. May isa raw kasi siyang suki na kapag nagpapamasahe sa kanila ay may dalang sariling langis at iyon ang dala — Krystall Herbal Oil. Tapos kapag may natitira, ibinibigay na sa kanya. Kaya iyon muna ang ipina-try niya sa akin.

So pagdating ko sa bahay, naglinis muna ako ng mukha, hinayaan kong matuyo nang kaunti saka, kumuha ng bulak na nilagyan ko ng kaunting Krystall Herbal Oil at idinampi-dampi ko sa gilid ng ilong ko na may warts. Sa totoo lang, ginagawa ko po iyon nang walang bilib, basta ang sabi ko try lang, kasi wala namang harmful ingredients or components ang Krystall. So, after no’n, nagawa ko pang mag-massage ng face at head gamit ang herbal oil. Hanggang makatulog ako nang mahimbing.

Nagising po ako nang maaga the next day, about 6:00 am, usually kasi mga 8:00 or 9:00 am ang gising ko. Pero ang una kong naramdaman parang kompleto ang tulog ko, hindi pupungas-pungas na parang gustong bumalik sa tulog, magaan ang pakiramdam.

So, sabi ko sa sarili, co-incidence ba iyon na nag-massage ako ng Krystall Herbal Oil tapos gumaan ang pakiramdam ko?

Pero hindi, kasi, pagpunta ko sa banyo, pagtingin ko sa face ko, aba, parang biglang natuyo ang warts, tapos nang maghilamos ako, nabakbak na parang libag. Mapula at mahapdi ‘yung pinagtanggalan kaya after ko maghilamos nilagyan ko ulit ng Krystall Herbal Oil. Tamang-tama pagpasok ko bandang 11:00 am, halos hindi na mahalata ang bakas ng warts.

               Wow! Hindi po talaga ako makapaniwala. Dito po sa wellness center may mga sarili kaming products na ginagamit pero definitely irerekomenda ko po sa mga clients namin ang Krystall Herbal Oil sa kanilang wellness maintenance.

               Thank you so much, Ma’m Fely, sana minsan ma-meet ko rin kayo. God bless po.

Sobrang bilib sa Krystall,

DARIUS MEDINA

Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Victory Liner Electric Bus e Bus

Victory Liner iginagalang suspension order ng LTFRB

KINIKILALA ng Victory Liner ang preventive suspension order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board …

Albee Benitez Bojie Dy

Speaker Dy, pamunuan ng Kamara pinuri Deputy Speaker Benitez  
MATAAS NA TRUST RATING KREDITO SA TINUPAD NA MANDATO NG KONSTITUSYON

ni GERRY BALDO PINURI ni Deputy Speaker at Bacolod Lone District Rep. Alfredo “Albee” Benitez …