Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Paso ng welder sa braso agad pinagagaling ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Magandang umaga po sa inyong lahat Sis Fely. Ako po si Rodelio delos Angeles, isang welder, naninirahan sa Las Piñas City.

               Bilang isang welder po, problema ko ang mga tumatalsik na baga sa aking mukha at braso. Sa mukha mayroon kaming ginagamit na personal protective equipment (PPE) o ‘yung welder’s mask, pero sa braso mahirap magsuot ng long sleeves kasi kapag natalsikan ng baga baka lalo kaming mapaso. Ang ginagawa naming solusyon running water tapos lalagyan ng toothpaste pero kapag nagsugat na ang tagal gumaling.

               Hanggang isang araw, na-introduce po sa akin ng isang kaibigan ang Krystall Herbal Oil kasi napansin nga niya ang mga marka ng paso sa braso ko. Sabi niya, i-try mo ito, kapag napaso ka, hugasan mo agad sa running water tapos tuyuin ng malinis na pamunas saka pahiran ng Krystall Herbal Oil.

               Ganoon nga po ang ginawa ko. Ang una kong napansin pagkapahid ko ng Krystall Herbal Oil, nawala ang hapdi o ‘yung feeling na parang binabanat ang balat ko dahil sa paso. Tapos maya-maya tumigil ang pagtutubig. Kinabukasan pagkagising ko, tuyong-tuyong na ang sugat at parang papagaling na. Noong ikatlong araw, peklat na lang. Pero sabi ng kaibigan ko ituloy ko lang daw ang pagpapahid ng Krystall, kasi pati peklat ay kaya nitong paputiin. After two weeks po,  totoo nga, nawala ang peklat at pantay na pantay ang kulay ng skin ko, walang bakas ng paso.

               Talaga pong manghang-mangha ako sa ginawa ng Krystall Herbal Oil, tunay na miracle oil. Simula po noon, ‘yun na rin ang inirekomenda ko sa mga kasamahan kong welder.

               Thank you much Ma’m Fely, napakahusay ng inyong imbensiyon. Super bilib po ako. Mabuhay po kayo!

Lubos na sumasainyo,

RODELIO DELOS ANGELES

Las Piñas City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …

Money Bagman

P180-B ‘tinatayang nawawala’ sa ghost flood control projects

MAHIGIT P180 bilyon ang malamang na napunta sa mga ‘guniguni’ o ghost na flood control …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …