Thursday , June 4 2026
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

 ‘Pasma’ sa init-lamig ng panahon pinakakalma  ng Krystall Herbal oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Yollynarda Dimalanta, 48 years old, maybahay, nakatira sa Quezon City.

         Ang ise-share ko po, ang pasma na nakukuha sa init-lamig ng panahon, ay kayang pakalmahin ng imbensiyon ninyong miracle oil — ang Krystall Herbal Oil.

         Alam naman nating lahat na kahit sabihing tag-init na, nararamdaman pa rin natin ang super lamig na panahon sa madaling araw.

         Ang amin pong barangay ay malapit na sa San Mateo at Montalban kaya ramdam pa po namin ang lamig sa madaling araw.

         Ang siste po, bandang 9:00 am na, sobrang init na ang nararamdaman namin. Kaya marami sa kapitbahay ko, may sipon at ubo.

         Kaya naman hinikayat ko silang gumamit ng Krystall Herbal Oil. Maghaplos bago matulog para labanan ang lamig ng panahon nang sa gayon ay mapanatiling nasa tamang temperatura ang katawan.

         Sabi ko sa mga kapitbahay ko, para hindi nahihirapan mag-adjust ang aming mga katawan at pakiramdam panatilihin sa katamtamang temperature ang katawan.

         Kapag sobrang init, sinabi ko sa kanila na sundin ang payo ninyo na dalasan ang pag-inom ng tubig. Huwag labas pasok sa mga  mall na naka-air-conditioned, lalo na kung mainit na mainit ang panahon, dahil ito ay maaaring pagmulan ng heat stroke.

         Mahaba pa ang tag-init pero naniniwala  ako na ang Krystall Herbal Oil ang dapat naming kapiling. Maraming salamat po at sana’y huwag kayong magsawang magbigay ng payo sa ating mga kababayan.

Sumasainyo,

YOLLYNARDA DIMALANTA

Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …