Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Sekyu na-relax at nakatulog nang mahimbing sa Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Kiong Hee Huat Tsai, Sis Fely!

         Hindi po kami Chinese pero s’yempre dahil popular na sa bansa ngayon ang nasabing tradisyon kami po ng aking pamilya ay nakikiisa sa nasabing pagdiriwang.

         Ako po si Ronaldo Balagtas, 45 years old, may tatlo po kaming anak na pawang babae. Dito kami nangungupahan sa Cubao, Quezon City. Ako po ay isang security guard. Halos 15 years na po ako sa trabaho, pero sa awa ng Diyos, ako po’y hindi nasasangkot sa maling gawain at sulsol ng emosyon.

         Gusto ko lang pong i-share kung gaano kalaking tulong ang nagagawa sa akin ng Krystall Herbal Oil at Krystall Vit. B1B6 lalo na kung naa-assign akong night duty.

         Dati po kasi, after ng aking duty parang hinang-hina ako at gusto ko na lang matulog, hindi na ako kumakain. Kaya lang kapag natutulog na ako, naririnig ko naman lahat ng ingay, kumbaga, mababaw po ang tulog ko, kaya kahit nakahiga ako ay hindi maayos ang pagkakahimbing ko.

         Nabanggit ko po ang problema kong ito sa aming supervisor, ang sabi niya: “’Yan lang? May solusyon tayo riyan,” sabay dukot sa kanyang bag ng isang maliit na botelya — ang Krystall Herbal Oil.

         Sabi ni Bisor, “basta ihaplos mo ‘yan sa iyong sentido, sa batok, sa balikat, sa dibdib, sa tiyan at sa mga paa. Pero dapat, malinis ang katawan mo, mas ma-absorb ng katawan mo ang herbal oil.”

         Bukod sa Krystall Herbal Oil, pinayohan din niya akong mag-take ng Krystall Vit. B1B6 na agad ko namang  sinunod.

         Kinabukasan, agad kong ginawa ang mga payo ni Bisor at first time po talagang nangyari na ako’y nakatulog nang mahimbing at nagising na parang relax na relax lang.

         Sana po lahat security agency, alagaan ang kanilang mga security guards sa pamamagitan ng Krystall Herbal Oil, kasi po ang pagkaburyong ng mga guwardiya ay nagmumula sa kakulangan ng tulog, hindi tamang nutrisyon, at mga pangyayaring hindi naman dapat problemahin.

         Sa bahagi ko po, labis ang pasasalamat ko sa inyo Sis Fely, dahil ang inyong imbensiyon ay tunay na nakatutulong sa bawat pamilya.

         Mabuhay po and God bless you all.

RONALDO BALAGTAS

Cubao, Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …