Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na si Dr. Chao Tiao-Yumol, nitong Sabado, 6 Agosto sa lungsod ng Lamitan, lalawigan ng Basilan.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktimang si Bhis Isniyan Yumol Asdali, 52 anyos, isang rubber tapper at tiyuhin ni Yumol.

Ayon sa Lamitan CPS, nakaupo si Asdali sa terasa ng kanyang bahay sa Sitio Muhibal, Brgy. Colonia, sa lungsod, dakong 9:30 pm nang dumating ang isang hindi kilalang lalaki at ilang ulit siyang pinagbabaril.

Agad binawian ng buhay si Asdali dahil sa rami ng tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Narekober ng mga awtoridad ang anim na pumutok na cartridge at isang clip ng Garand rifle sa pinangyarihan ng krimen.

Nagsasagawa ang pulisya ng hot pursuit operations upang madakip ang suspek.

Si Asdali ang ikalawang miyembro ng pamilya Yumol na napaslang sa loob ng dalawang linggo matapos maaresto si Dr. Yumol na suspek sa pagpatay kay dating Lamitan Mayor Rose Furigay at dalawang iba pa sa loob ng Ateneo de Manila University sa lungsod ng Quezon noong 24 Hulyo.

Matatandaan, noong 29 Hulyo, pinatay ang ama ni Yumol na si Rolando malapit sa kanyang bahay sa lungsod ng Lamitan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …