Sunday , May 19 2024
Dragon Lady Amor Virata

Buwis para sa online seller

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

KUNG ako ang tatanungin, dapat magbayad ng buwis ang mga online seller dahil ang  buyer ang nagbabayad ng delivery charge ng bawat produktong binibili.

Sa ganang akin, masusing pag-aralan ito ng Department of Finance kabilang ang mga subscription sa mga streaming apps gaya ng Netflix.

Makadaragdag ito ng malaking kita sa gobyerno. Kung ‘yung maliliit na sari-sari store nagbabayad ng kanilang business permits, panahon na itong mga online seller ay patawan ng buwis.

Bukod rito, maraming produkto sa mga online seller ang fake, sa ads promo na larawan lamang magaganda.

Isa ako sa nabiktima ng mga pekeng produkto ng online sellers dahil hindi nagdaraan sa quality control. Pipiktyuran at ipo-post sa social media, pero pagdeliber sa ‘yo, ang layo ng hitsura.

Go! go! go! Patawan ng buwis ang mga online seller, maraming negosyante ang nagsara ng kanilang business online. Business na lang, wala pang tax sa gobyerno.

ADMINISTRASYONG
ERIC OLIVAREZ BUGBOG
SA SOCIAL MEDIA

Kilala ko si Mayor Eric Olivarez, isang tahimik na tao, mahiyain, at hindi magaslaw kumilos.

Nakapagtatakang ang mga atake sa kanya sa social media ay kabaliktaran ng pagkakakilala ko kay Mayor Eric.

Kung may katotohanan man ang mga pangit na image laban kay Mayor Eric, pipilitin ko siyang makaharap upang malaman ang katotohanan.

Sa aking pagkakaalam, may karapatan ang sinumang alkalde na maglagay ng kanyang tauhan sa bawat posisyon ngunit sa tamang proseso.

Binigla raw at napahiya ang mga empleyadong sinibak at inilipat ng puwesto habang ang iba pa ay inilagay sa floating status.

May isyu pang nagalit ang 15 barangay captains sa lungsod ng Parañaque kabilang ang ama nitong si Dr. Pablo Olivarez, Brgy. Captain ng San Dionisio nang hindi pumayag ang mga Kapitan na agarang magsagawa ng eleksiyon para sa pagiging ABC President at palitan ang incumbent na si Kapitan Christopher Aguilar.

Hirap akong maniwala, dahil kilala ko si Mayor Eric na isang mabuting tao, mabait na anak.

Kung may katotohanan ang lahat ng akusasyong ibinabato kay Mayor Eric, ano ang dahilan?  ‘Yan ang ating aalamin mga kababayan ko sa lungsod ng Parañaque.

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Tiyak na sibak si Sen. Bato sa eleksiyon

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung inaakalang manananalo pa siya …

YANIG ni Bong Ramos

Total ban sa sigarilyo, vape atbp nakapipinsalang produkto iminungkahi

YANIGni Bong Ramos IMINUNGKAHI kamakailan ng magkapatid na Senador Pia Cayetano at Senador Alan Peter …

Dragon Lady Amor Virata

Korek na korek Senador Bong Go

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KAMAKAILAN sa Senado, tinalakay ni Senator Bong Go ang …

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …