Thursday , June 4 2026
Vilma Santos

Ate vi nagsalita na sa tunay na dahilan ng pagtalikod sa politika

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON, maging ang mga kritiko ay nagsasabing talagang napakahusay gumawa ng desisyon si Ate Vi (Congw Vilma Santos). Iisipin mo nga bang tatalikuran niya ang politika eh kabi-kabila ang offer sa kanya na tumakbong vice president o kahit na senador lamang. Marami rin naman ang nagsasabing siguro kung tumakbo nga siyang vice president, sa line up ng mga naglalaban ngayon, kayang-kaya niyang talunin ang mga iyan.

Siguro kung tumakbo siyang senador, wala na siyang pagod. Magkampanya na lang siya sa vlog ayos na.

Pero takang-taka nga sila hanggang sa ngayon, bakit nga ba hindi tumakbo si Ate Vi?

Sa kahit na anong career dapat sa simula pa lang alam mo na ang gagawin mo para may mangyari naman sa iyo. Hindi ka naman nakakahiya. Pero kahit pa ano ang gawin mo, o naabot mo na,isang bagay ang dapat nakahanda ka na. and that is when to quit. Hindi puwedeng nasa isang bagay ka habang panahon.

“Una, mauubusan ka rin ng idea. Darating ang panahon na hindi mo na rin alam ang gagawin mo. That is where most politicians fail. Maganda ang kanilang intentions, pero iyong implementations ng

programs ang siyang nagkakaroon ng problema, in the end napapahamak sila.

“Kasi naroroon talaga iyong tendency na parang alam na alam mo na ang gagawin mo, at doon ka nagkakamali. Kailangan sa trabaho magkaroon ka ng break. Humarap ka muna sa iba. Iba naman ang isipin mo at tiyak na mas magagandang idea pa ang magagawa mo.

Sabi ko nga, nariyan naman si Ralph. Kung may maganda akong maisip sasabihin ko sa kanya, and I don’t deny that since he is younger, iba pa ang takbo ng isip niya. He can do things better at saka mas malawak ang experience niya kaysa akin. Siguro puwede akong politician, pero iyong ilagay mo ako sa NEDA at mag-intindi ng ekonomiya ng bansa, aba hindi ko kaya iyon. Pero nagawa niya.

“Ako naman dumating na iyong point that I think I’ve done enough. Maski siya nga nagulat kasi hindi niya alam na I have decided to quit until the day I told him. Naisip ko rin, dahil matagal akong nagpahinga bilang isang artista, ngayon naman ang dami kong ideas.

Pero hindi ako kailangang magmadali. Pag-aaralan ko munang mabuti ang takbo ng industriya at kung paanong makababalik sa commercial theater circuits ang pelikula. Hindi ka talaga kikita kung sa internet lang eh, and you’ll end up making small movies para hindi ka malugi. Kailangan mabawi natin talaga ang mga sinehan at mangyayari lang iyon kung kumikita ang mga pelikula natin. Iyan ngayon ang pinaghahandaan ko,” sabi ni Ate Vi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …