Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre, Cristy Fermin

Cristy Fermin pinuna ang hitsura ni Nadine

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MAY pagka-conservative pala ang mukhang laging palaban na columnist-broadcaster na si Cristy Fermin. Kahit delayed reaction na siya, inilabas pa rin n’ya ang mabalasik na reaksyon n’ya sa litrato ni Nadine Lustre na naka-two piece swimsuit na nakapila sa isang tindahan sa Siargao para bayaran ang binibiling nakaboteng sarsa. 

Upset na upset si Cristy sa picture na ‘yon ni Nadine–dahil sa kasuotan at katabaan ni Nadine sa kuha na ‘yon ng isang netizen at ipinost nang walang-paalam sa Instagram. Baka nga nalaman na lang ni Nadine na nalitratuhan siya niyong nag-tag sa kanya ang netizen. 

Nagtapis man lang daw sana si Nadine para matakpan ang katawan n’ya, mabalasik na payo ni Cristy sa aktres na maraming sariling post na litrato na mas masahol pa sa stolen shot na ‘yon sa Siargao. 

Dahil sa reaksiyon na ‘yon ni Cristy, naisip tuloy namin na dapat n’yang panoorin ang bagong station ID ng NET 25 na lahat ng stars and talents na naka-feature ay konserbatibo ang kasuotan. Walang naka-plunging neckline. Walang cleavage na nakalabas. Walang lalaking naka-tanktop kaya walang pumutok ang muscles. 

Very refreshing ang ID na ni walang special effects. Plain shots lang ng mga piling eksena sa mga show sa NET 25. Kaibig-ibig din ang musika ng jingle na ang hookline ay  “Let’s get together, Let’s NET together.” 

Part ng TV 5 ang radio station na may showbiz commentary program si Cristy na ang titulo ay Cristy FERminute. Pero inirerekomenda namin kay katotong Cristy na kung ang gusto n’ya talagang panoorin ay mga palabas na panay disente ang kasuotan, sa NET 25 siya tumutok.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …