Monday , December 6 2021
Marco Gallo, Aubrey Caraan, Darryl Yap, Jadine, James Reid, Nadine Lustre

Darryl Yap kina Marco at Aubrey: Mas magaling sila sa JaDine

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

“KUNG paano nagsimula si Nadine at saka si James, mas magaling si Aubrey at saka si Marco sa ngayon na nagsisimula itong dalawa. That’s my opinion,” tugon ni Direk Darryl Yap nang matanong namin ang mga bida niyang artistang sina Marco Gallo at Aubrey Caraan kung nape-pressure ba sila dahil ang pelikulang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso na handog ng Viva Films at mapapanood sa Vivamax ay dapat sana kina James Reid at Nadine Lustre.

Sa virtual media conference ng Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso na mapapanood sa Vivamax sa October 1 iginiit din ni Direk Darryl na hindi nila kailangan ang anumang fandom para mai-promote at maraming manood ng bago niyang pelikula.

“Sa totoo lang, because I am a writer and I’m from social media, ‘yung mga unang pelikula ng JaDine, galing ‘yan ng ‘Wattpad.’ So, ako, sinubaybayan ko rin ‘yan.

“Kung paano nagsimula si Nadine at saka si James, mas magaling si Aubrey at saka si Marco sa ngayon na nagsisimula itong dalawa. That’s my opinion.

“Ayoko kasi, magsalita na naman itong mga artista, tapos maku-quote na naman sila ng iba-iba. Mamaya, sumawsaw na naman si Kuya Kim (Atienza). Charot!”  mahabang paliwanag ni Direk Darryl.

Sinabi pa ng director ukol sa kanyang ika-10 pelikula sa Viva, ”Ang pinakamasasabi ko riyan, Nadine and James were never brought up sa shoot namin. Never kong narinig sa dalawang ito na, ‘Naku, galingan natin.’

“Never kong sinabi sa set na, ‘O, galingan niyo. This project was intended for Nadine and James.’ We don’t have that. And the reason why I shared the fact is because I was asked kung ito ba ‘yung dapat gagawin ni Nadine, and I was told by the bosses, it was. So, sinabi ko lang. Not for anything else,” paglilinaw ni Darryl.

Diretsahan ding sinabi ni Direk Darryl na ayaw niyang masabihan siyang nakiki-ride on sa JaDine dahil milyon ang followers sa social media ng Beks Batallion na kasama sa pelikula bukod pa sa mga loyal subscriber niya sa YouTube at iba pang socmed accounts.

“And now, with six million followers ng page ko, ng Vincentiments, with the convergence of Beks Battalion, tapos ‘yung husay ni Aubrey at saka ni Marco, nakakapeste lang na sasabihin na nakiki-ride on lang kami sa JaDine.

“Well, sa palagay ko, hindi na sila ganoon kaingay ngayon, and this is just my opinion. We are not riding on any fandom, especially Chad na very JaDine fan.

“Nahe-hurt ‘yan kapag sinasabing ginagamit ni Aubrey si Nadine, ginagamit ni Marco si James, walang ganoon. We never thought of it,” paglilinaw pa ni Darryl.

“And just to set the record clear, I myself, kaya ako nasasabihan na mayabang because I’m always straight to the point. We don’t need any fandom to actually promote a movie.

“This is the best that I have done so far. Siguro, ‘yung best ko, basura pa rin sa iilan. Or siguro, ‘yung best ko, basic or mediocre para rin sa nakararami.

“Pero this project is very close to my heart. Ito ‘yung masasabi kong unang film ko na director, na direktor talaga ako. Kasi sa ‘Revirginized,’ fan na fan ako roon ni Ms. Sharon Cuneta,” sambit pa ni Darryl.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gab Valenciano

Gab nagka-trauma sa pagkanta

HARD TALKni Pilar Mateo  “THE whole 2020 was a blur! Nangyari ba talaga ito?” ang …

Gabbi Garcia, Khalil Ramos

Khalil at Gabbi sa Bora ang selebrasyon ng kaarawan

I-FLEXni Jun Nardo BORACAY ang destinasyon ng showbiz couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa 23rd birthday celebration …

Marian Rivera, Gal Gadot

Marian tuloy sa Miss Universe; Wish ma-meet si Gal Gadot

I-FLEXni Jun Nardo PANGARAP ni Marian Rivera na ma-meet nang personal si Wonder Woman Gal Gadot sakaling …

Blind Item Corner

Matinee idol bargain na ang presyo

HATAWANni Ed de Leon  “BARGAIN na ngayon si matinee idol, P20K na lang siya. Kapresyo na …

Nora Aunor Comelec

Party list ni Nora binutata ng Comelec

HATAWANni Ed de Leon NAKASAMA ang party list ni Nora Aunor, iyong NORA A, sa listahan ng 127 party …

Leave a Reply