Wednesday , June 19 2024
James Reid Nadine Lustre Jadine Ikea

Career nina James-Nadine mag-survive kaya kahit hiwalay na?

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKITA sina James Reid at Nadine Lustre sa isang shop noong isang araw, pero maliwanag namang hindi sila magkasama. Si James ay kasama ng kanyang mga barkada, samantalang si Nadine naman ay kasama ang kanyang boyfriend.

Nagkataon nga lang siguro na pareho sila ng interests sa mga ganoong lugar, isipin ninyo, matagal din naman silang nagsama at imposible bang magkapareho sila ng taste sa mga bagay-bagay?

Sa nangyayari ngayon, isang bagay lang ang maliwanag, totoo ngang split na sila. Hindi gaya noong una nilang ipinamalita na split na sila, pero nakikita pa rin silang magkasama sa mga watering holes, at kung minsan ang nakikita pang kasama ni Nadine ay ang tatay ni James. Pero ngayon mukhang wala na talaga at nagsimula lahat ng iyan nang ibinebenta na ni James ang bahay niya na ilang taon dinnilang naging love nest ni Nadine. Sa ngayon nga kasi na wala naman siyang ka-live in, at kailangan niya ng puhunan para sa mga pinapasukan niyang recordings, malaking tulong kung maibebenta niya ang bahay na iyon. Maaari siyang tumira na lang sa isang condo na ok din naman para sa kanya.

Sa parte naman ni Nadine, mabuti na rin iyong may boyfriend siyang iba na hindi nakikialam sa kanyang career. Ngayon  mukhang unti-unti na niyang naibabalik sa ayos ang kanyang career na walang ibang iniisip kundi iyon. Hindi gaya noong araw na ang nananaig ay iyong interest sa love team nila ni James. Hindi rin naman maaaring umasa siya kay James habang panahon, paano ngayong malamig na rin ang popularidad ni James?

Tamang diskarte rin naman ang ginawa ng mga producer nila noon, na paghiwalayin muna sila bilang love team noong lumalamig na ang kanilang popularidad. Natural may experi­mentation kung ano ang gagawin kay Nadine na siyang star nila talaga. Inihahanap siya ng ibang  eading man. Hindi mo masa­sabing mali, dahil isa sa nakasama roon ay si Marco Gumabao na sumikat naman. Siguro nga medyo may mali lang sa project. Baka wala lang sa timing.

Pero kung kami ang tatanungin, mas ok iyang hiwalay na sila, at dapat iyang ikatuwa ng kanilang fans kung magsu-survive sila sa kanilang career kahit na hindi sila ang magkatambal.

About Ed de Leon

Check Also

Grace Teresing Carmelite

Vilma puring-puring ang stage play na Grace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ALL praises  si Vilma Santos sa pinanood niyang stage play na GRACE.  Ito nga ‘yung …

Kim Chiu Aileen Choi-Go Sisters Napkins

Kim deadma na sa past relationship, blessings dagsa

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DAPAT na lang sigurong deadmahin ni Kim Chiu ang mga isyung may kinalaman …

Yayo Aguila Padyak Princess

Yayo naiyak habang pinag-uusapan ang pamilya

RATED Rni Rommel Gonzales IYAKIN si Yayo Aguila kapag tungkol sa pamilya ang involved. “Alam mo madalas …

Cess Garcia

Cess ng Vivamax umaming bisexual, kinilig sa aktres na nagpakita ng kabaitan

RATED Rni Rommel Gonzales MATAPANG na umamin ang Vivamax actress na si Cess Garcia na isa siyang …

John Marcia Joel Lamangan Ataska Cariz Manzano

Newbie actor inapuntahan ng takot at kaba kay direk Joel

HARD TALKni Pilar Mateo TAWANG-TAWA kami nang makatsikahan ang isa sa mga alaga at ipinagmamalaki …