Sunday , March 26 2023
Marco Gumabao, Julia Barretto

Julia overprotective sa lovelife ni Marco Gumabao

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SUPER close sina Julia Barretto at Marco Gumabao since mga bata pa sila ay magkakilala na kaya siguro protective ang aktres sa aktor na pati pagsagot nito tungkol sa kanyang love life ay hinarang ng una.

Sa ginanap na zoom mediacon ng TV series na Di Na Muli na napapanood sa TV5, 7:30 p.m. at mapapanood naman sa Vivamax sa ikatlong linggo ng Oktubre ay natanong si Marco tungkol sa kanyang bagong inspirasyon.

Viral kasi sa social media ang video nina Marco at ang vlogger na si Ivana Alawi na nasa isang KTV bar habang kumakanta ang huli.

Kapansin-pansin kasi ang kaliwang kamay ni Marco na nakapatong sa hita ni Ivana kaya iisa ang sabi ng netizens, ‘sila na.’ Oo nga kung magkaibigan ay hindi naman aabot sa hita ng babae ang kamay ng lalaki.

Kaya natanong si Marco tungkol sa kanyang inspirasyon at natatawa ang binata kasama na rin sina Direk Andoy Ranay at Marco Gallo habang si Julia ay panay ang tanong kung bakit at wala siyang alam.

Diretsong tanong kay Marco, ”Gaano ka ba ka-inspired ngayon? ‘Yung girl ba na kasama mo sa viral photo ang nagpapasayasa sa puso mo ngayon?”

Natatawang sagot ng binata, ”Lagi naman akong inspired, lagi naman. Ah, lagi naman akong inspired.”

May extra special ba sa pagiging inspired ngayon si Marco.

“Ah, yeah. Yes, I’m…” pabiting sagot ng aktor.

Nakita ni Marco na natatawa si direk Andoy, ”si direk tumatawa, eh. Naguguluhan ako sa ‘yo. Direk, huwag kang tumatawa.”

Puwede pang magdagdag ng sagot si Marco na hinihintay ng invited entertainment media sa zoom pero kaagad na itong sinalo ni Julia.

“I’m sure si Marco will talk about it when he’s ready to talk about it. I think everyone is still in shock and he’s still overwhelmed kasi si Marco is the type of guy na kapag private life niya, gusto niya private lang,” paliwanag ng aktres.

Kaya natanong si Julia kung gaano na sila katagal magkaibigan ni Marco.

Sabi ng dalaga, ”We’ve been friends for eight years now. I think I can tell Marco really likes a girl. I know when Marco is actually going to pursue a girl. I know that because I know how he behaves when he’s in love.

“I know how he starts acting like he’s in love, but I also know Marco when he’s unsure. I also know Marco when he’s nervous. I also know Marco when he’s afraid.”

Sa pagkakaalam namin ay matagal ng crush ni Ivana si Marco kaya posibleng ito ang naging daan din kaya naging malapit na sila ngayon hanggang sa nagbunga na sa mas magandang relasyon ngayon.

Pero siyempre need ng kompirmasyon na magmumula mismo sa mga taong involved na sina Marco at Ivana.

Anyway, tanggap ng fans ang tambalan ng tatlo sa Di Na Muli na nagbukas noong Setyembre 18 kaya isang dahilan din na mapapanood na ito sa Vivamax.

Iikot ang kuwento sa pagiging bukas sa pag-ibig at pagharap sa pagsisisi. Si Julia ay gumaganap bilang si Yanna, matalino at mapagmahal, ngunit simula nang malamang may kakayahang makita ang nalalabing panahon ng mga tao sa pamamagitan lamang ng paghawak sa kanilang kamay, pinili ni Yanna na huwag maging malapit sa mga tao. Nagpapanggap siya na isang germaphobe para makaiwas sa paghawak sa mga tao.   

Pangarap ni Yanna na makapagtayo ng isang negosyo at suportado ito ng kanyang kaibigan at manliligaw na si CJ, na ginagampanan ni Marco Gallo. Nararamdaman ni CJ ang pag-iwas ni Yanna ngunit patuloy pa rin ang pagpapakita niya rito ng pagmamahal.  

Kay CJ natutunan ni Yanna na dapat pahalagahan ang mga oras na kapiling ang mga taong mahalaga sa kanyang buhay.   

Nang makilala naman ni Yanna si Mico, isang gwapo ngunit mapangdudang lalaki, naisip ni Yanna na malabong magkasundo sila nito. Ngunit tadhana na ang naglapit sa kanila.   

Ang Di Na Muli ay produksiyon ng Cignal at Sari Sari Channel, kasama ang Viva Entertainment with 14 episodes sa TV5 tuwing Saturday, 7:30 p.m. at may catch-up airings sa Sari Sari Channel, 7 p.m..

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto-Santiago MTRCB

MTRCB Chair Lala umalis muna para dalawin ang anak sa Amerika

HARD TALKni Pilar Mateo SAGLIT na mawawala sa kanyang desk ang Chairwoman ng MTRCB (Movie and Television …

Arci Muñoz Kim Soo Hyun So Ji Sub Lee Jong Suk Lee Min Ho Song Jung Ki Hyun Bin

Arci wish makapareha sinoman kina Kim Soo Hyun, So Ji Sub, Lee Jong Suk, Lee Min Ho, Song Jung Ki, at Hyun Bin

HARD TALKni Pilar Mateo OPPA na nga lang ang masasabing kulang sa buhay ng isang Arci …

Ruru Madrid Bianca Umali Mikee Quintos

Ruru nagsisi, Mikee eeksena na sa RuCa

RATED Rni Rommel Gonzales FAST-PACED at world-class. Ito ang ilan sa mga feedback ng viewers …

Xian Lim Hearts on Ice

Xian inabangan ng fans sa Hearts on Ice

RATED Rni Rommel Gonzales NAPANOOD na Miyerkules ng gabi  (March 22) si Xian Lim bilang …

GMA Telebabad

GMA Telebabad punumpuno ng action gabi-gabi

RATED Rni Rommel Gonzales PAINIT nang painit ang bakbakan para makuha ang mga makapangyarihang hiyas …