Kabayan umatras na sa pagka-Senador, balik-TV Patrol kaya?
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
BABALIK ba si Kabayang Noli De Castro bilang lead anchor ng news program ng ABS-CBN na TV Patrol?
Ito ang naisip namin nang mabasa ang kanyang official statement na ipinost ng anak niyang si Kat de Castro, PTV General Manager sa kanyang Facebook page.
Wala pang isang linggo nang magpaalam si Kabayan sa TV Patrol noong Huwebes, Oktubre 7 at kinabukasan naman ay nag-submit siya ng kanyang Certificate of Candidacy mula sa partidong Aksyon Demokratiko bilang isa sa senatoriables ni Manila Mayor Isko Moreno na kumakandidato naman bilang Pangulo ng bansa.
Ayon sa statement ni Kabayan Noli, βNitong mga nakaraang araw, taimtim kong pinag-isipan ang desisyong pagbalik bilang isang mambabatas. At kamakailan, naghanda ako sa posibilidad na pagtakbo sa pagka-senador sa darating na halalan.
βAng nag-udyok sa akin ay ang hangaring muling bigyan ng boses sa Senado ang ating mga kababayan, lalong-lalo na ang mga ordinaryong Pilipino, na ang tanging hangarin ay mabuhay ng maayos, payapa, at may dignidad sa gitna ng pandemya.
βI-sinumite ko ang aking kandidatura sa COMELEC noong Biyernes. Ngunit, nagkaroon ng pagbabago ang aking plano.
βNais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin, na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura.
βGayunpaman, HINDI PO NAGBAGO ANG AKING LAYUNIN AT HANGAD PARA SA BAYAN.
βKasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag.
βBinibigyang diin ko po, hindi nagbabago at magbabago ang ating layunin at hangad para sa bayan.
βPatuloy tayong magiging boses ng ating mga kababayan, lalo na sa panahong katulad nito na ang boses na iyon ay nalulunod sa ingay ng pulitika at paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes ng iilan.
βNais ko pong magpasalamat kay Mayor Isko Moreno at sa mga bumubuo ng Aksyon Demokratiko sa ibinigay na tiwala at tulong sa akin sa unang araw pa lamang na maging miyembro ako ng Partido.
βMaraming salamat po.
βAt sa lahat ng nagtitiwala sa aking mga kabayan, maraming maraming salamat! Hawak ko sa aking puso ang ipinapakita ninyong pagmamahal, suporta, at tiwala.
βItuloy po natin ang pagtutulungan para sa mas malakas na boses ng bayan. Salamat po mga kabayan!β
Samantala, kaliwaβt kanan naman ang nagtatanong kay Kat tungkol sa health status ng ama dahil sa biglaan nitong pagbabago ng desisyon at ipinost niya ulit sa kanyang FB page ang sagot nito pagkalipas ng isang oras matapos niyang ilabas ang statement ng ama.
Aniya, βAng dami naman pong nagpapadala ng messages sa akin. Para isahan na lang:
βMy Dad is okay health wise. No need to worry about anything.
βHe has personal reasons for withdrawing his candidacy.
βHeβs now spending time with family, most especially with his grandchildren.
βWhatβs his next move? Wala pa. Pahinga muna siya.
βHave a nice day everyone!β
May tinanungan naman kami sa Kapamilya Network kung posible bang bumalik si Kabayan sa TV Patrol, βParang teleserye βno? Abangan ang susunod na kabanata (emoji smiley).β
