Thursday , August 11 2022
Kylie Padilla, Andrea Torres

Kylie Padilla sa pagkakaroon ng bagong dyowa – “I’m not closing my door”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Kylie Padilla na marami siyang natutuhan ukol sa pakikipagrelasyon habang ginagawa ang BetCin, ang WeTV original series na mapapanood na sa Oktubre 15, 8:00 p.m.. Ginagampanan ni Kylie ang karakter ni Beth samantalang si Andrea Torres si Cindy.

Sina Kylie at Andrea ay mga social media celebrity couple na tila may halos perpektong relasyon, pagdating sa online. Sa likod ng mga filtered posts, hindi ganoon kadali ang sitwasyon nila. Habang lumalayo ang loob nila sa isa’t isa dahil sa pagkakaiba ng mga prioridad at pangangailangan, mas lalo namang dumarami ang kanilang mga follower, ang mga Umamis.

Habang inaalam nila ang susunod na hakbang para sa kanilang relasyon, napili ang BetCin bilang isa sa mga finalist sa #RelationshipGoals. Ang hamon ay kinakailangan nilang mapapaniwala ang mga fan na maayos pa rin sila bilang isang couple para makarami ng likes at mapanalunan ang cash prize at iba pang mga papremyo.  

“You’re gonna learn to love each character in all their flaws, and all their mess mamahalin mo sila,” ani Kylie ukol sa kanyang karakter.

Sinabi pa niyang imperfect sina Beth at Cindy pero ginawa nila ang lahat. At bagamat pure ang pagmamahal nina Beth at Cindy sa isa’t isa may lumalabas na problema.

“It’s just that under the circumstances ganoon talaga, minsan ang pag-ibig hindi talaga nagwo-work out,” anito.

Itinuring ni Kylie na blessing ang series na ito sa kanya, ”because it came to a time where I really wanted to sink my teeth into a project that I really love.”

Natanong din si Klie ukol sa kung ano ang natutuhan niya sa paggawa ng BetCin

“The social media aspect and a couple going through a breakup under the microscope [of] social media,” aniya sa isinagawang zoom media conference. ”Napatanong din ako sa sarili ko ano bang impact ng social media ko sa buhay ko? Am I doing too much? Am I sharing too much? What is my truth and how can I make my life better, more productive and balance everything out.”

Itinuring din ni Kylie na perfect project ang BetCin dahil nang mabasa niya ang script nito, agad siyang na-inlove sa kanyang karakter.

“Hindi ko pa nga natatapos ’yung first episode I was like, ‘oh my gosh I know her, I need to give this character justice, I just know her I know what she’s going through, I know her wants and needs and I just know kaya kong gumawa ng character na mae-enjoy ko,” paliwanag pa ng aktres.

Natanong din sina Kylie at Andrea kung ano ang importante sa isang relasyon. “Trust and respect. Personally, ang pinaka-important sa akin ‘yung trust kasi once na masira ‘yun parang mahirap na bumalik sa dati,” ani Kylie.

Sinabi naman ni Andrea na, ”For me, respect. Kasi feeling ko kapag nire-respect niya ako there’s no room for me to doubt.”

Sa kabilang banda natanong si Kylie kung may chance pa uli siyang  ma-in love at magkaroon ng ibang karelasyon.

“I’m not closing my door (sa bagong dyowa). Ang sarap ma-in love eh, totoo naman ’yon. I do wish for myself that in the right time or whatever.

“It’s about freeing yourself from whatever you feel when it comes to that person because no matter what you say, feel, or do, if you don’t free yourself from those emotions, you’re trapped,” sambit pa ng anak ni Robin Padilla.

Bukod kina Kylie at Andrea, bubuo rin sa cast ng BetCin sina Elora Españo at Chai Fonacier. Idinirehe naman ito ni Shugo Praico at isinulat nina Fatrick Tabada at John Carlo Pacala. Ang palabas ay line-produced ng Rein Entertainment Productions. 

Para makapanood ng mga WeTV Original seriesat iba pang Asian Premium Content, mag-download ng WeTV at iflix apps mula sa App store at Google Play at maaari ng makapanood. Ang monthly subscription ay nagkakahalaga lamang ng P59, quarterly—P159, at ang annual subscription ay P599.

Mapapanood ang BetCin ng libre simula October 15, mula sa WeTV.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Korea Philippines Friendship Fashion Week 2022

Korea-Philippines Fashion Week 2022 matagumpay

SOBRANG nag-enjoy ang ilang Korean Top Models (International K-Top Models) na mula sa South Korea …

Elijah Alejo

Elijah Alejo handa na sa matured roles

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA nang sumabak sa mga matured role ang dating child star na …

Julie Anne San Jose Dennis Trillo Barbie Forteza

Dennis, Barbie, at Julie Ann bibida sa Maria Clara at Ibarra  

I-FLEXni Jun Nardo UNTI-UNTI nang nakukompleto ang bigating cast ng upcoming GMA historical portal fantasy series na  Maria …

Rhian Ramos Sam Verzosa

Rhian at Sam isang taon na ang relasyon 

I-FLEXni Jun Nardo ISANG taon na ang relasyon ng Kapuso artist na si Rhian Ramos sa businessman na si Sam …

blind item, woman staring naked man

Young male star wala nang ginawa kundi maghubad

ni Ed de Leon PUMAYAG na maghubad ang isang young male star nang isama siya sa pelikula, …