Thursday , May 26 2022
Marco Gumabao, Kylie Verzosa, Jake Cuenca

Marco nagpasintabi kay Jake sa hubo’t hubad nilang eksena ni Kylie

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

UMAATIKABO ang sex scenes nina Marco Gumabao at Kylie Verzosa ayon na rin sa trailer ng pinakabago nilang pelikula mula Viva Films, ang My Husband, My Lover na idinirehe ni Mac Alejandre at mapapanood simula Nobyembre 26.

Inamin ni Marco na ang My Husband, My Lover ang itinuturing niyang pinakamatinding sexy movie na nagawa niya dahil pumayag siyang maghubo’t hubad sa isang eksena habang nakatayo silang nagse-sex ni Kylie. 

Kaya naman nagpasintabi siya at humingi ng permiso sa kaibigan niya at boyfriend ni Kylie na si Jake Cuenca bago ginawa ang naturang eksena.

“When I read the script, nagandahan po talaga ako kaagad. Pero at the same time, kinabahan ako kasi very big ang requirements for the character at sa mga eksenang gagawin namin.

“Nagpaalam ako kay Jake. As you all know, kapatid ko si Jake sa ‘Los Bastardos.’ And even after ‘Los Bastardos,’ kapatid ko pa rin siya off cam.

“Minsan lumalabas kami ni Jake with Kylie, ako ‘yung laging third wheel nila.

“I had to ask him for his blessing kasi kahit sabihin nating trabaho lang ‘to, as a gentleman and as a brother to him, tinext ko siya.

“And sabi niya, ‘Bro, you have my blessing. Galingan niyo.’ Sobrang laking tulong sa akin niyon, kasi siyempre, sa mga eksena namin, talagang maiinit.

“I needed that go signal from Jake para maitodo namin ‘yung mga eksena.”

Sa kabilang banda, natanong naman ang reaksiyon ni Jake kay Kylie ukol sa matinding sex scene na ito.

Ani Kylie, labis siyang nagpapasalamat dahil very supportive sa lahat ng ginagawa niya ang boyfriend na si Jake.

“I’m very grateful to have a supportive boyfriend and especially sa industry na ito na very rare and I really feel lucky and blessed to have him and support me in projects like this.”

“Siyempre alam mo human pa rin tayo at nakakaramdam ng selos but he is a very professional actor. He wishes me the best for my career and naintindihan niya kung ano ‘yung kailangan kong gawin at ano ‘yung gusto kong gawin sa career ko.

“And this is only one of the things na I wanted to do, napakaganda po ng materyal, magaling po ‘yung cast, magaling ‘yung direktor. Kaya talagang tinanggap ko itong opportunity na ito. I feel so lucky and blessed to have him by my side.”

Sinabi rin ni Kylie na  sobra siyang kinabahan sa love scenes na ginawa nila ni Marco.

Kinabahan ako pero while doing the love scenes dapat best na super relaxing ka at hindi dapat kabahan kasi makikita po ‘yun sa camera, sa scene.

“As Kylie, kinabahan po ako noong nakita ko ‘yung trailer, sobrang kinabahan po ako talaga, nakakakaba talaga.

“More than this, I think maupapakita rin namin ‘yung acting din namin. Yes, physically demanding, yes marami kaming naipakita. I think sa story, the directing, the editing is going to be good,” mahabang paliwanag pa ni Kylie.

Kasama rin sa My Husband, My Lover sina Cindy Miranda at Adrian Alandy. Kaya watch na sa Nobyembre 26 ng My Husband, My Lover na isinulat ni Ricky Lee. Streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …

Lance Raymundo, Chotto Matte Kudasai

Lance handang mag-frontal sa pelikula

MATABILni John Fontanilla HANDANG tumodo sa pagpapa-sexy si Lance Raymundo sa pelikula. Tsika ni Lance nang makausap …

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …