Tuesday , January 31 2023
Nadine Lustre, Diego Loyzaga

Nadine umpisa na sa Viva, naka-lock-in taping na sa Rizal

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SA wakas ay gumiling na ang kamera ni Direk Yam Laranas sa unang tambalan nina Nadine Lustre at Diego Loyzaga na may working title na Greed produced ng Viva Films at Meslab Production.

Ipinost ni Direk Yam sa kanyang Instagram nitong Linggo ng 9:00 p.m. ang mga larawan ng dalawang artista niya na nakatira sa isang lumang bahay na nasa gitna ng bundok ng Rizal.

“GREED @vivamaxph #actor @nadine @diegoloyzaga #filmmaking #storytelling #cinema #cinematography #filmproduction @viva_films x @meshlabprod #entertainment, “ ito ang caption ng direktor.

Pinadalhan kami ni direk Yam ng mga larawan na kuha niya sa shoot thru FB chat na may nakalagay na ‘multiple locations’ at ang ganda-ganda dahil halos abot kamay nito ang mga ulap at walang makikitang ibang taong nakatira.

As usual, nagpatayo na naman si direk Yam ng bahay sa tuktok ng bundok para maging tirahan nina Nadine at Diego na base sa mga larawan ay sila ang magkarelasyon at ano kaya ang karakter ni Epy Quizon?

Kaya pala bago simulan ang lock-in shoot ni direk Yam ay nag-post siya ng machine na gamit niya pang-exercise, “Pre-production Conditioning #gym #workoutmotivation #cardio @lifefitnessofficial #treadmill #exercise #health #lifefitness #filmmaking #filmmakerslife.”

Kasi akyat-baba siya sa tuktok ng bundok at dahil limitado lang ang production staff kaya malamang may bitbit din siyang mga gamit.

Minsan natanong namin si direk Yam kung bakit laging sa Rizal ang location ng mga pelikula niya. “Mas mura at safe ang lugar.”

About Reggee Bonoan

Check Also

Jun Miguel Talents Academy PMPC 35th Star Awards for TV

Talents Academy wagi sa  PMPC 35th Star Awards for TV

MASAYANG-MASAYA ang dating That’s Entertainment member na si Jun Miguel na siyang producer and director ng matagumpay na children’s …

Maria Luisa Varela Miss Planet International 2023

Maria Luisa Varela itinanghal na Miss Planet International 2023

HINDI man tayo pinalad na manalo sa Miss Universe, Miss International, at Miss Earth ay wagi naman ang Pilipinas sa Miss …

Paolo Ballesteros

Vice Ganda tinalo ni Paolo Ballesteros sa Star Awards for TV

MATABILni John Fontanilla WAGING-WAGI sa katatapos na Philippine Movie Press Club 35th Star Awards for Television na ginanap …

Lian Paz Paolo Contis

Lian Paz may parinig kay Paolo Contis

MATABILni John Fontanilla USAP-USAPAN sa apat na sulok ng showbiz ang naging post ni EB Babe …

Richard Yap Jodi Sta Maria Gabbi Garcia Joshua Garcia

Unbreak My Heart ng ABS-CBN at GMA kukunan sa Switzerland

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INUMPISAHAN na pala ang shooting ng kauna-unahang collaboration ng GMA Network at ABS-CBN, …