Saturday , January 28 2023
KathNiel, LizQuen, JaDine

Kathniel, Lizquen, Jadine aarangkada sa Mashing Machine

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

APAT na bagong YouTube shows mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel ang magbibigay ng saya, kilig, at katatawanan sa viewers ngayong Oktubre bilang bahagi pa rin ng Kapamilya YOUniverse experience.

Kung nahihirapang bumangon sa umaga, i-stream lang ang Happy Pill, 8:00 a.m. mula Lunes-Linggo. Naglalaman ito ng iba’t ibang inspirational quotes at motivational words para maghatid ng good vibes at lakas ng loob na simulan ang araw.

Maaaliw naman habang natututo ang viewers sa IQ Ang Nagwagi, isang quiz show na nag-iikot si Alora Sasam sa iba’t ibang ABS-CBN shows para magtanong ng sari-saring trick questions. Sumama na sa sagutan at kulitan kasama ang iba’t ibang Kapamilya stars tuwing Sabado, 6:00 p.m..

Kakaibang movie experience naman ang ihahain ng anthology series na  Mashing Machine kada Lunes, 6:00 p.m. Sa bawat episode nito, ipagsasama-sama ang mga eksena mula sa iba’t ibang patok na teleserye at ipagpapares ang iba’t ibang Kapamilya stars para makabuo ng isang bago at nakaaaliw na kuwento.

Napapanood na ngayon ang unang Mashing Machine episode na A Soldier’s Love tampok sina Gerald Anderson at Ivana Alawi, samantalang sina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, at James Reid naman ang magpapakilig sa My Hokage Love sa susunod na linggo. Bibida rin sa susunod na episodes sina Daniel Padilla, Liza SoberanoNadine Lustre, Jodi Sta. Maria, at Coco Martin.

Pwede ring tumakas at bumyahe sa iba’t ibang bahagi ng mundo kasama sina André Brouillette, Fumiya Sankai, at Gabby Sarmiento sa Hello World! simula Oktubre 7. Makilakwatsa at maki-food trip kasama ang dating PBB housemates sa USA, Japan, at Italy, at alamin mula sa kanila ang masasayang experiences na pwedeng ma-enjoy sa mga lugar na ito tuwing Huwebes, 5:00 p.m..

Itatampok naman sa susunod na season ng Secret Movie Files ang mga trivia at sikreto sa paggawa ng 2017 suspense thriller na Bloody Crayons kasama ang cast at crew nito. Imbitahan na ang buong barkada sa maagang Halloween celebration para panoorin ang unang limang episodes nito sa Oktubre 24, 2:00 p.m. kasabay ng libreng pagpapalabas ng buong pelikula sa YouTube.

Ang Made for YouTube shows na ito ay bahagi ng lumalaking Kapamilya YOUniverse, ang pagsasama-sama ng iba’t ibang YouTube channels ng ABS-CBN para maghatid ng entertainment, musika, pelikula, at balita. Ang ilan sa Made for YouTube titles na eksklusibong napapanood sa YouTube ay ang MMK Shorts: Beyond the LensIt’s Showtime All Access, ChikatitasThe Music Room, He’s Into Her ExtrasGold SchoolDear MORGapnud sa KinabuhiBedtime Stories, at MOR Playlist.

Tumuloy na sa Kapamilya YOUniverse sa YouTube at mag-subscribe sa ABS-CBN Entertainment, ABS-CBN Star Cinema, ABS-CBN Star Music, MOR Entertainment, ABS-CBN News, ABS-CBN It’s Showtime, at One Music PH.

About Reggee Bonoan

Check Also

Mang Kanor Nika Madrid Emelyn Cruz Rez Cortez

Rosanna Roces naluma sa tapang maghubad nina Nika Madrid at Emelyn Cruz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin ang Mang Kanor na pinagbibidahan ni Rez Cortez. Naloka kami dahil parang porno …

Hello, Universe

Hello, Universe! ni Janno wholesome at pwede sa mga bata

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAPANOOD kami ng premiere showing ng Hello, Universe! na pinagbibidahan nina Janno Gibbs, Anjo …

Alden Richards Boy Abunda

Alden madalas mag-share ng blessings kaya sinusuwerte

COOL JOE!ni Joe Barrameda HATS off kami kay Alden Richards sa mga isiniwalat niya nang mag-guest sa …

Lito lapid Jessie Chua Mark Lapid

Sen Lito Lapid ‘di pwedeng kalimutan ang showbiz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAKA-TOUCH naman si Sen. Lito Lapid. Matagal pa ang Valentine pero parang …

Sheryl Cruz, Leandro Baldemor, Rosemarie Sarita, Zyren dela Cruz MPK

MPK sa Sabado nakakikilabot

RATED Rni Rommel Gonzales NAKAKIKILABOT ang upcoming brand new episode ng real life drama anthology …