Thursday , June 4 2026

Las Piñas city mayor kinilala ng DOLE sa galing ng serbisyo

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

BIGYAN-PANSIN natin ang mga mayora sa National Capital Region (NCR) kung tunay na sila’y kalipikadong maging punong ehekutibo ng kanilang bayan o lungsod.

Sa ipinamalas ng mayora sa global response na may kaugnayan sa walang maiiwan at pagtugon sa tulong ng lokal na pamahalaan, kinilala ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) ang administrasyong Mayor Imelda Aguilar ng Las Piñas City.

‘Yan ay dahil sa pagkakaroon ng dedikasyon ni Mayora sa pagbibigay ng serbisyo sa kanyang constituents, patunay rin ng kanyang pakikipagtulungan sa DOLE-NCR CoVid-19 rollout.

Kinilala ng DOLE si Mayor Aguilar sa sinseridad ng alkalde na iparamdam sa mga taga-Las Piñas ang kanyang pasasalamat sa pagsunod sa disiplina at pagtugon sa health protocols sa nararanasang pandemya dulot ng CoVid-19.

Samantala, si Pasay City Mayor Emi Calixto naman, bilang tulong at pakikiisa sa DOLE ay namahagi ng mga bisikleta sa mga nawalan ng trabaho dulot ng pandemya. Mga bisikletang nagkalahalaga ng P10,000 bawat isa. Layunin ng Mayora na magamit ng recipients sa paged-deliver ng pagkain o mga produkto mula sa online sellers.

Bukod sa bisikleta, bibigyan din ang mga benepisaryo ng  Lenovo cellphone na may P5,000 load… o saan ka pa? Ibang klase si Mayora Emi ‘di po ba?

Ang programang ito ay binansagang  BIKECINNATION at partner ng nito ang DOLE sa pamu­muno ni Secretary Silvestre Bello III.

May 28 benepisaryo na ang naka­tang­gap ng bisikleta. Panawagan ni Mayora Emi, bukas ang nasabing pro­grama sa mga walang tra­ba­ho, at walang gagawin kundi pumunta lamang sa PESO Office sa Pasay City Hall.

***

Kung sa antas nasyonal maraming gustong tumakbo bilang presidente at bise presidente, kakaiba naman sa mga lokal na pamahalaan sa NCR.

Sa Las Piñas City, matunog na tatakbo pa rin sa kanyang huling termino si Mayora Imelda Aguilar, wala pa at ‘di pa batid kung may malakas ang loob na babangga sa mga Aguilar. Tahimik pa…

Sa Parañaque City, kung sa huling termino ni Mayor Edwin Olivarez ay “unopposed candidate” siya, ganoon rin ngayon sa pagtakbo niya sa kongreso bilang kinatawna ng Parañaque.

Si Rep. Eric Olivarez ay hahalili kay Mayor Edwin bilang alkalde. Palitan lamang sila ng puwesto.

Sa lungsod ng Pasay mukhang walang lalaban kay Mayor Emi Calixto-Rubiano na tatakbo muli para sa ikalawang termino bilang alkalde ng Pasay City.

Kung mayroon mang makakalaban, I doubt… tiyak na kakain ng alikabok!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …