HATAWAN
ni Ed de Leon
INUULAN na ng mga banat ng mga troll si Congresswoman Vilma Santos at iyan ay matapos niyang sabihin kung ano ang posibilidad ng kanyang desisyon sa darating na eleksiyon. Pero hindi naman dapat na pansinin iyang mga troll na iyan dahil hindi nga ba gusto nang imbestigahan iyang mga iyan dahil napakalaki nga raw ng budget na nauubos dahil sa mga troll?
Maaaring hindi naman gobyerno ang nagbabayad ng payroll ng mga troll, pero may mga politikong nagbabayad ng mga iyan para purihin sila wala man silang nagagawa at siraan ang mga possible nilang makakalaban hindi man totoo ang sinasabi nila. Si Ate Vi naman, sanay sa ganyan eh. Noong araw na wala pa iyang mga troll dahil wala pa namang internet, may mga heckler nang naninira sa mga artista at naging biktima rin siya ng mga heckler pero wala namang naging epekto iyon sa kanyang popularidad. Ngayon pa ba siya maaapektuhan ng mga amateur lang sa paninira?
At ewan kung mananalo nga sila sa dami kung kikilos na sina Jojo Lim ng VSSI na daang libo ang dami.