ISANG promising kontrabida ang actor na si Simon Ibarra na matinding kalaban ni Richard Gutierrez. Napatay kasi ang anak niyang si Bubbles Paraiso na isinisi ang pakamatay nito sa actor.
Matindi rin ang galit niya kay Christian Vasquez, ang abogadong binayaran niya ng P50-M para mailaglag si Richard dahil sa napatay ang kanyang anak.
Malaki ang ipinagbago ng karakter ni Simon. Karamihan sa mga ginawa niya noon sa ABS-CBN ay hindi gaanong napansin ang kanyang galing, unlike sa Ang Probinsyano, kitang-kita ang galing niya.
Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Simon sa magandang break na ibinigay ng Kapamilya sa kanya.
Vir Gonzales