Thursday , June 4 2026

Kris dapat na bang pasukin ang politika?

“I promised him that I will do everything to just be even one percent of what he was as a man and as a Filipino,” deklara ni Kris Aquino noong ibalita n’ya ang pagpanaw ng kuya n’yang dating pangulo ng bansa na si Noynoy.

Ayon sa mga nagdudunong-dunungan, pahiging raw ito na papasok si Kris sa politika para maipagpatuloy ang legacy ni PNoy.

Sana naman hindi totoo na biglang nagkaambisyon si Kris na pasukin ang politika dahil lang sa pagyao ni Noynoy.

Ano mang posisyon ang ambisyonin n’ya, manalo man siya o hindi, siguradong makakasali ang mga anak n’yang walang malay sa panlalait ng mga ‘di-pabor sa kanya.

Lahat ng eksaheradong panlalait ay tiyak na ikukulapol sa magkapatid.

Siguradong lahat din ng relasyon at kontrobersiyang pinagdaanan ni Kris ay kakalkalin at palalalalain ng mga ‘di-pabor sa mga Aquino noon pa man.

Siguradong huhukayin din ang lahat ng ‘di magandang nagdaan ng mga magulang n’ya, pati na ang kayayao lang na si Noynoy.

Magiging impiyerno ang buhay ni Kris at ng mga anak n’ya ‘pag nagkamali siyang pasukin ang politika!

Ano bang mapapala ni Kris kung maging politician din siya?

Parang wala naman. Tularan na lang n’ya ang mga kapatid n’yang babae na nananahimik sa piling ng respective husband nila at mga anak.

Siguradong nabubuhay naman sila nang masagana at hindi sa kapobrehan.

Kung may darating kay Kris na bagong “asawa,” ng katuwang sa buhay, ‘ika nga, mabuhay siya ng kuntento na wala na sa limelight.

Pwede naman siyang tahimik na tumulong sa bayan bilang private citizen kung hangad n’ ya talagang ipagpatuloy ang legacy ng mga Aquino.

And, actually, wala namang deretsahang pahayag ang ina nina Josh at Bimby tungkol sa pagpasok sa politika. Ang mayroon ay haka-haka lang, mga walang magawa sa aba nilang buhay.

ni DANNY VIBAS

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …