Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rabiya Mateo, apektado sa bashers—Sana ‘di na lang ako nanalo

SI Rabiya Mateo ng Iloilo ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2020 ang bagong endorser ng Frontrow International.

Noong Friday, October 30, ginanap sa Manila Hotel ang grand welcome cum presscon para sa kanya ng Frontrow International, sa pangunguna ng Presidente nitong si Direk RS Francisco at CEO Sam Versoza. Ang event ay tinawag na Frontrow Exclusively meets Rabiya.

Si Rabiya ay produkto ng broken family at mula sa isang mahirap na pamilya. Ang cellphone nga niya ay mumurahin lang. Kaya sa question and answer portion, ang isang tanong sa kanya, na kung isasapelikula o isasatelebisyon ang buhay niya, sino ang gusto niyang gumanap, at bakit?

Ang sagot ng dalaga, si Megan Young, na tulad niya ay isang beauty queen. Ang dahilan, marami ang nagsasabi na may resemblance siya kay Megan, bukod pa sa mahusay itong magsalita at makipag-communicate.

“She’s my queenspiration,” aniya pa.

Sa pagkapanalo ni Rabiya, marami ring bumatikos sa kanya, kasama na ang ilan sa mga nakalaban niya sa Miss Universe Philippines 2020. Hindi nila matanggap na ang half Indian half Filipino ang mag-uuwi ng titulo at korona.

Ayon sa kaibigan at room mate sa Miss Universe Philippines 2020 ni Rabiya na si Miss Iloilo Province, na guest sa event, ay iniyakan ni Rabiya ang kanyang bashers. Nasabi nito sa kanya na sana ay hindi na lang siya ang nanalo.

O, ‘di ba apektado ng bashers si Rabiya?

First time pa lang niya sigurong na-bash, kaya hindi niya pa alam kung paano iha-handle.

Pero hindi dapat magpaapekto si Rabiya dahil mas marami ang magsasabi na dederved niya ang crown. At ang dalawa sa mga ito ay sina Miss Gloria Diaz, na itinanghal na Miss Universe 1969 at Catriona Gray na itinanghal naman bilang Miss Universe 2018.

Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …