KINOMPIRMA ng Department of Health (DOH) na negatibo sa coronavirus disease (COVID-19) si Sec. Francisco Duque III.
Ayon kay Usec. Maria Rosario Vergeire, lumabas ang resulta ng test na ginawa sa kalihim nitong nakalipas na linggo.
Nasa mabuting lagay ngayon si Duque na nananatiling naka-work from home.
Unang inirekomenda ang pagpapa-test sa COVID-19 ni Duque matapos mabatid na ilang beses siyang na-expose sa opisyal ng DOH na nagpositibo sa sakit.
May underlying condition din ang kalihim na asthma at hypertension na mas vulnerable umano sa impeksiyon.
Unang inilinaw ni Duque, wala siyang naramdamang sintomas ng COVID-19, pero nagboluntaryo siyang magpasailalim sa quarantine. (CYNTHIA MARTIN)