Sunday , April 28 2024
philippines Corona Virus Covid-19

Community transmission kinompirma ng DOH… CoViD-19 187 cases na

TUMATAAS ang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, ayon sa Depart­ment of Health (DOH).

Sa panayam kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinabi niyang ang ibang kaso ay walang kaugna­yan sa mga naunang pasyente.

“Nakita natin ‘yung ibang kaso wala na siyang relasyon sa ibang kaso… Pag ganito na po ang itsura ng ating sitwasyon, ibig sabihin (Some cases are not related. With this situation, it means) we already have sustained community trans­mission,” aniya.

Sa ulat ng DOH, nadagdagan ng 45 bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 kahapon 17 Marso.

Ayon sa DOH, ang mga bagong pasyente ay itinalang PH143-PH187, ibig sabihin umabot na sa kabuuang bilang na 187 ang naitalang kaso ng COVID-19.

Kamakailan, sinabi ng Health department ang pagtaas ng bilang ng local cases na hindi makita ang pinagmulan ay maaaring ipakahulugan na  mayroong community transmission.

Kinompirma ito ni Health Secretary Fran­cisco Duque III sa press briefing sa Malacañang Palace nitogn Lunes ng gabi.

“This means that some cases no longer have a history of travel to COVID-19 affected countries, exposure to a positive COVID-19 case. You can no longer link it to each other,” ani Duque.

“In effect, there is already [an] unlinkable clustering of cases or untraceable chains of transmission in the community,” dagdag niya.

Kahapon, dakong 4:00 pm 17 Marso, ang bilang ng kompirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 187, kabilang ang 12 namatay. Samantala, apat na pasyente ang gumaling sa nasabing sakit.

Ang pinakabagong naka-recover, ayon sa DOH, ay si PH25,  31-anyos na lalaki mula sa Negros Occidental. Isa siya sa repatriates ng M/V Diamond Princess cruise ship.

Nakompirmang COVID-19 patient noong 9 Marso, ipinasok sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital, at dalawang na sinuri at nagnegatibo sa coronavirus. (CYNTHIA MARTIN/VV)

About Cynthia Martin

Check Also

C5 Quirino flyover Villar

Sa Las Piñas  
C5 EXT. QUIRINO FLYOVER BINUKSAN SA MOTORISTA

BINUKSAN sa mga motorista ang C5 Quirino flyover, C5 extension sa lungsod ng Las Piñas. …

itak gulok taga dugo blood

2 anak pinagalitan,
BABAE PATAY SA TAGA NG AMA

PATAY ang isang 27-anyos babae matapos tagain ng kanyang ama dahil sa hindi pagkakaintindihan sa …

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *