Monday , December 23 2024
philippines Corona Virus Covid-19

Kaso ng COVID-19 umakyat sa 140 (Medical practitioner ika-2 kaso sa Cavite)

UMABOT na sa bilang na 140 ang kaso ng corona­virus (COVID 19) sa bansa matapos madag­dagan ng 29 bagong kaso kahapon, ayon sa Depart­ment of Health (DOH).

Dakong 12:00nn kahapon, iniulat ng DOH ang bagong mga kaso.

Kamakalawa, iniulat ng DOH ang pagkamatay ng dalawang COVID-19 patients.

Si PH89, 7th death ay isang 67-anyos Filipino, lalaki, mula sa San Fernando, Pampanga, walang travel history sa laban ng bansa,  namatay noong 11 Marso, 8:50 pm.

Ikawalo sa mga namatay si PH79, 68 anyos, Filipino, lalaki, taga-Makati City. Wala siyang travel history sa ibang bansa, wala rin history ng pagkakalantad sa COVID-19.

Kahapon, iniulat na tatlo pa ang pumanaw, sina PH9, Ph54, at PH39.

Isang 86-anyos American citizen ang 9th death a Filipinas mula sa Marikina City, may travel history sa USA at sa South Korea. Namatay noong 14 Marso 2020, 2:42 am.

Lalaking edad 40 anyos mula sa Pasig City ang ika-10 namatay sa COVID-19, walang travel history sa labas ng bansa at wala rin exposure sa nasabing sakit sa loob ng 14 araw. Dakong 1:45 am nang mamatay nitong 15 Marso 2020.

Mula Negros Oriental, ang 64-anyos Filipino, lalaki, ang ika-11 nama­tay, na hinihinalang nahawa sa Greenhills, San Juan City. Namatay noong 15 Marso 2020 dakong 11:09 am.

Patuloy pang nanga­ngalap ng imporma­syon ang DOH hinggil sa mga bagong kaso ng sakit.

Kasabay nito, hiniling ni Health Secretary Fran­cisco Duque sa publiko na makipagtulungan sa health workers and medical practitioners upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

“Our frontline health workers and medical personnel are risking their safety to respond to the needs of the public, all we ask is for you to do your part: practice preventive measures, go on strict home quarantine if you are experiencing mild symptoms, and help halt the spread of fake news,” pakiusap ng Kalihim.

Sinabi ni Duque, ang maayos na partisipasyon ng bawat isa ang susi para masugpo o mabig­yan ng agarang solusyon ang COVID 19.

“At this most trying time, our strongest weapon as a nation is Vigilance, preparedness, and solidarity,” ayon kay Duque. (C. MARTIN)

MEDICAL PRACTITIONER
IKA-2 KASO NG COVID-19
SA LALAWIGAN NG CAVITE

KINOMPIRMA ni Health Secretary Duque na may panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Cavite.

Ito ay matapos ipaa­bot ni Governor Jonvic Remulla, at kasalu­kuyang naka-confine sa isang pribadong ospital sa Silang, Cavite, na isang medical practitioner.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) dalawa na ang kaso ng COVID-19 sa Cavite.

Nagpaalala ang go­ber­nador sa mga residente ng Cavite ukol sa ipina­tupad na community quarantine sa Metro Manila.

Kung kailangang pu­mun­­ta ng Metro Manila, magdala aniya ng mga dokumento para maipa­kita sa mga itinala­gang checkpoint.

Maging handa rin aniya sa posibleng maka­ranasang delay sa pag­pasok at paglabas ng NCR.

Samantala, pinaa­lalahanan ni Remulla ang mga taga-Cavite na mata­as ang tsansa na magkaroon ng com­munity transmission.

Dahil dito, iminung­kahi niyang manatili na lamang aniya sa kani-kanilang tahanan kung wala namang importan­teng lakad.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *