MAS marami pang taong nagkatipon para suportahan noong isang gabi ang ABS-CBN kaysa nakita sa EDSA noong anniversary ng People Power. Sa ABS-CBN ang estimate ng pulis ay mga 1,000 katao. Sa EDSA ang police estimate ay 300 lamang, at ang nagpadami ay iyong mga pulis. Karamihan pa ng sumama sa celebration ay mga government employees. Akala pa naman namin ay talagang marami ang mga dilawan dahil sa sinasabi nila sa internet na hihingin nila ang resignation ni Presidente Digong. Pati ang mga artistang dilawan, hindi man lang nag-perform sa taong ito. Mukhang wala na rin ang kanilang mga oligarch na sponsors ng kanilang mga rally.
HATAWAN
ni Ed de Leon