Monday , December 23 2024

Batas laban sa ‘kanser’ pirmado na

MAY laban na ang mga kababayan natin kontra sakit na kanser.

Ito ang sinabi ngayon ng reeleksyonistang si Senador Sonny Angara, matapos maisabatas ang National Integrated Cancer Control Act (RA 11215), nang lagdaan at pagtibayin ito ni Pangu­long Duterte nitong 14 Pebrero 2019.

Nilalayon ng batas na mapapaba ang halaga ng gamutan at medisina na kailangan ng cancer patients upang kahit pa­ano ay maging abot-kaya nila ang gastusin para rito.

Layon din nitong mag­tatag ng isang National Integrated Cancer  Control Council na ang tungkulin ay mag­pa­tupad ng mga pro­gra­mang hindi lamang para magbigay ng kom­pre­hensibo at abot-ka­yang tulong sa mga pasyente kundi para mabawasan ang pagda­mi ng pre­ventable cancer cases.

Ayon kay Angara, makatutulong ito upang palakasin ang laban ng gobyerno sa pag-apula sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga nasasawi dulot ng iba’t ibang uri ng kanser.

Ang nasabing batas ay isang kompre­hen­si­bong hakbang ng pama­halaan para sa mas ma­sigasig na tulong pang­kalusugan sa ma­ma­mayan, partikular sa mahihirap na pamil­yang Filipino.

“Taos-puso tayong nagpapasalamat kay Pangulong Duterte sa kanyang pagsasabatas nito at sa kanyang paki­kiisa sa atin na mailigtas ang mga kababayan nating may kanser.  Ngayon, mas maka­mu­mura na sa gamutan ang mga may karamdaman tulad nito,” ani Angara, co-sponsor ng naturang batas na kinapapalooban din ng kanyang panu­kalang Senate Bill 1570.

Dagdag ng senador, “Malaking tulong po ang pagsasabatas  nito sa mga may sakit na cancer lalo sa kanilang pamilya. Ang sabi nga kasi ng iba, kapag may kanser ka, daig mo pa ang sinalanta ng Ondoy o Yolanda.”

Sa pamamagitan ng batas na ito, may pag-asa  nang maiwasan o kaya nama’y maagapan ang kanser dahil sa mga nakapaloob ditong poli­siya na nakatuon sa pag­laban sa nasabing karam­daman.

Ang kanser, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority ay pangalawa sa mga ka­ram­damang madalas ikasawi ng mga Filipino, kasunod ng sakit sa puso.

Sa isinagawang pag-aaral ng UP Institute of Human Genetics, 189 sa kada 100,000 Filipinos ang nagkaka-cancer, habang lumalabas na 96 cancer patients ang namamatay sa bawat araw.

“Sa datos na ‘yan, ang ibig sabihin, apat na cancer patients ang na_mamatay kada oras. Ang masakit dito, walang kinikilala ang sakit na cancer dahil maaari nitong kapitan ang mata­tanda, mga bata, babae, lalaki, mahirap ka man o mayaman,” ayon kay Angara.

Ikinalungkot din ni Angara na marami ang nasasawi dahil sa ‘di makayanang halaga ng pagpapagamot, o ng mga prosesong kanilang dina­raanan.

Bagaman may kasa­lu­kuyang “Z Benefits” program ang PhilHealth na may mga nakalaang health package para sa mga malulunbang ka­ram­daman tulad ng leukemia, breast at prostate cancer, limitado lamang ito at 11 porsi­yento ang nasasagot sa gastos ng pasyente.

Sa impormasyong nagmula sa Cancer Coalition Philippines, sa breast ultrasound pa lamang ay kailangan nang gumastos ng pa­syente mula P600 hang­gang P3,000, depende sa pinuntahan nitong ospital. Hindi pa kasama sa mga nabanggit na halaga ang iba pang proseso.

Ang colonoscopy naman ay nagkakahalaga ng mula P1,500 hanggang P14,000.

“Sa madaling salita, papahirapan na nga ng cancer ang pisikal na pangangatawan ng pa­syente, pati bulsa, butas na butas pa. Paano na kung ang pasyente ay mula sa mahirap na pamilya? Lalo silang mababaon sa kahirapan da­hil sa nakalululang presyo ng pagpa­pa­gamot,” pahayag ni Angara.

Sa ilalim ng bagong batas, ang PhilHealth benefits para sa cancer ay kabibilangan na ng screening, detection, diagnosis, treatment, supportive care, reha­bilitation at palliative care.

ni CYNTHIA MARTIN

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *