Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino sa BI ang nagtimbre sa mga Chinese alien?

NABULABOG at posibleng natimbrehan ng ilang tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga undocumented Chinese national na naglipana ngayong nalalapit na kapaskuhan sa Baclaran sa kabila na may mga reklamong natanggap ang nasabing ahensiya.

***

Pinagduduhan na posibleng tunay na may mga kumakalinga kapalit nang malaking halaga ng salapi ang natatanggap nang ilang tiwaling tauhan ng nabanggit na ahensiya.

Ayon sa aking impormasyon matagal nang modus operandi ng nasabing ahensiya kaya dumaragsa ang mga negosyanteng Intsik sa Baclaran sa kabila nang walang kaukulang mga dokumento na manatili nang matagal sa ban­sa. Mistu­lang bulag at bingi ang nasabing ahensiya dahil kapag araw ng kapaskuhan ay kumakamal sila ng limpak-limpak na salapi.

Nagkalat din ang mga tsek­wa na nanini­rahan sa mga condominum sa paligid ng Mall of Asia na pawang undocumented.

Ayon sa nga nagrereklamong mga lehitimong negosyante sa Baclaran, nakapagtataka na may Business permit at DTI permit ang mga Chinese alien na posibleng gumagamit ng “dummies.”

Sabi ng mga nagreklamo sa pahayang ito, “inutil at pera-pera” ang mga taga-Bureau of Immigration!”

Isumbong mo
kay Dragon Lady
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …