Wednesday , March 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bulok na jeepneys kung aalisin isama maging tricycles

Dragon LadyDAHIL nakatakdang i-phase out ang mga bulok na pampasaherong jeep, dapat alisin na rin ang mga bulok na traysikel. Marami sa lungsod ng Pasay. Nababahiran kasi ng kulay-politika, walang kumikilos kahit pa walang prangkisa sige pa rin ang pasada. Masyadong mapolitika ang lungsod ng Pasay, hinahayaan lang ang mga bulok na traysikel na mistulang mga lumang tarpaulin na lamang ang nakabalot na tapalodo,hindi kaya ito nakikita?

Kapag sumakay ka nakaangkas pa ang anak, ang asawa, na kababaho. Kapag ba nadisgrasya, uunahin ba ang pasahero ng drayber?

***

Tutal mayaman ang kaban ng lungsod ng Pasay,at mayayaman ang kaban ng mga asosasyon ng traysikel sa lungsod ng Pasay, bakit hindi hayaan i-develop ang personality ng mga driver. Bigyan ng vest na magiging uniporme kung anong samahan ng traysikel sila kabilang. Ang mahal mahal na ng pasahe, ang babantot pa!

MAY BAYAD PARA
MAALIS SA LISTAHAN
NG SCALAWAGS

Bakit may nakalulusot sa internal cleansing sa hanay ng ng police scalawags? Ayon sa aking informer, nagbabayad ang mga ito para hindi mapasama sa listahan ng police scalawags na ipadadala sa Basilan. Ito ang dapat imbestigahan ni PNP Chief, Director General Ronald dela Rosa.

Sa harap ng PNP, kapwa PNP na ang nagbabayaran, parang kapareho ‘yan na kapag sangkot sa isang kaso ang isang miyembro ng PNP, sa Region pa lang nagkakabayaran na kaya ‘di na umaakyat sa katas-taasan. Kaya maraming scalawags na PNP ang patuloy pa rin na namamayagpag!

HABANG SI DUTERTE
ANG PRESIDENTE
‘DI MAKALALABAS
SI LEILA DE LIMA

Usap-usapan na habang si Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidente, hindi makalalabas sa kulungan si Senadora Leila de Lima. Mahigit Limang taon pa sa kanyang panunungkulan ang Pangulo, medyo matagal din ‘yun! Naawa man ako kay De Lima, talagang ganyan ang buhay weder-weder lang! Kung meron man labis ang kasayahan sa pagkakakulong ng Senadora ,ito ay mga ipinakulong niya noong panahon ni Pangulong Noynoy Aquino!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Inter-parliamentary courtesy o pag-iwas sa imbestigasyon?

AKSYON AGADni Almar Danguilan ISANG mabigat na paratang ang ibinato ni Senator Rodante Marcoleta na …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Walang Gawain na nakatali sa kasarian
Mga babae, binabasag mga hadlang sa kasanayan sa konstruksyon

PADAYONni Teddy Brul SA PAGDIRIWANG ng National Women’s Month, isinusulong ng Association of Women Workers …

Firing Line Robert Roque

Mga kababaihan sa likod ng mga dinastiyang pampolitika

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPAG iniisip ng mga Filipino ang mga dinastiyang pampolitika, …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ano ang tunay na layunin ng ‘Maleta soldiers’ exposé?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI  itinuturing na aksidente ang paglitaw ng 18 kataong nagpakilalang ex-Marines …

Aksyon Agad Almar Danguilan

May mga tanong sa kredibilidad at identidad ng 18 ex-Marines

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA KASALUKUYANG pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kasong kinakaharap …