Thursday , June 4 2026

Reklamo sa St. Peter Memorial Plan

Dragon LadyNAKATATAWA nang marinig ko ang isang kuwentong totoo tungkol sa pagpapaburol ng patay sa St. Peter Chapel sa Tramo, Las Piñas City. Kuwento ng isang Memorial Plan Holder, isang pamilya niya ang namatay nitong Lunes, 28 Nobyembre.

May memorial plan ang namatay kaya natural na magamit ng namatay ang serbisyo ng St. Peter. Ang siste, nang ibuburol na ang patay, walang bakante!

Sa December 1 pa puwede dahil sa petsang nabanggit pa may bakante! Itinuturo ang pamilya ng namatay sa St. Peter Chapel sa Kawit Cavite, gayong ang namatay ay taga-Las Piñas City!

Kung papayag naman sa December 1 pa ibuburol, mai-stock pa sa morgue ng tatlong  araw ang bangkay para sa burol ng namatay! Lintik din ang St. Peter, panay ang alok ng memorial plan, kulang naman pala sa pagbuburulan!

Ayoko na riyan!

***

Napilitan ang pamilya ng namatay na sa Filipinas Funeral Homes sa Las Piñas City na lamang iburol ang namatay. Dahil may P15 thou na burial assistance ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas nakabawas ito sa bayarin ng mga naulila.

Ang galing naman ng mga opisyales ng Las Piñas City! Magkakasakit ka pa lamang at holder ka ng medical card nila ay P30 thou ang ipagkakaloob sa iyo!

Galing ng mayor at ng bumubuo ng Sangguniang Panlungsod ng Las Piñas City.

BACLARAN PRECINCT
COMMANDER ‘PACMAN’

Kapag binansagan kang Pacman ibig sabihin ‘matakaw.’

Bakit kaya ganito ang bansag sa precinct commander ng Baclaran, Parañaque City, habang patuloy ang clearing na isinasagawa sa illegal vendors ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Sa mahigpit na direktiba ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, panay naman ang bulsa ng ‘tong’ nitong si Commander. Ang mga hinihingian ng intelihensiya ay ‘yung mga nasa gilid ng bangketa na maayos naman ang paninda dahil ang mga winawalis ng mga tauhan ng clearing operations ay ‘yung mga nagkalat sa lansangan.

Ibang klase si commander, lusot kay mayor ang intelihensiya ng mga vendor pero wala namang kawala kay precinct commander…

PACMAN KA TALAGA!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADYAmor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …