Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dumugo ang ilong ng mga gustong maging guro

Dragon LadySobra umano ang hirap kompara noong mga nakalipas na taon ang questionaires sa licensure exa-mination na ibi-nibigay sa mga nais maging guro, sabi ng mga umiksamen, dahil sa K-12 ay nabago ang mga katanungan sa examinations, kaya posible na maraming di pumasa ngayon sa nasabing exam. Ibig sabihin marami ngayon ang hindi ma-tutupad ang pangarap na maging guro!

***

Ayon sa mga aplikante na umiksamen,dahil pinaiiral na ang K-12 dapat ay mas maraming guro ang kailangan, ngunit desmayado sila sa hirap ng eksaminasyon,kaya marami ang kabado ngayon na baka hindi sila makapasa!

Online gambling ‘di sakop ng PAGCOR

Hindi sakop ng PAGCOR ang online gambling ayon kay newly designated PAGCOR Chairperson Andrea Domingo dahil ito ay sakop ng mga pribadong nagmamay-ari. Kaya aalamin pa ni Domingo ang paraan para masupil ito alinsu-nod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

***

Dahil sa casino, maraming nalulugmok ang kabuhayan, dahil sa sugal marami ang nawawasak na pamilya. Kung gusto ni President Digong na alisin ang sugal,dapat unahin niya ang mga sugal gaya ng casino. Dahil hindi lahat ng nagsusugal sa casino ay may kakayahan na magsugal, ang iba ay nakikipagsapalaran lamang na lumago ang hawak na pera, pero sa halip na dumami ay mas dumarami ang problema kapag talunan. Kasunod nito, sakripisyo na ang pa-milya dahil natalo sa sugal ang pera,kahit anong sugal, ay salot!

KATOK-BAHAY SA MGA DRUG PUSHER

Alam pala ng mga pulis ang bahay ng drug pushers dahil kinakatok nila ang pinto ng bahay nila. Bakit ngayon lang? Dahil pa-impress kay President Digong? Alam pala ng mga pulis ang bahay ng mga salot na drug pushers bakit di nila nagawang dakpin noon pa! Bakit hinintay pa ang pag-upo ni President Digong? Talaga itong mga pulis, minsan pinapatay pa. Takot marahil na ibulgar ng napatay na drug pushers na sangkot sila bilang mga protektor ng ilegal na droga!

May apelyidong AKIBA ang hapones na may AIDS

Nakakatakot, maghahasik ng lagim ang Hapones na si AKIBA. May siyota pang Filipina. Batay sa inpormasyong nakalap natin, sa isang ospital sa San Francisco USA nadiskubre na may delikadong sakit si AKIBA na nakahahawa.

Si AKIBA ay mahilig pa naman sa mga babaeng mabababa ang lipad! May-ari ng isang klab si AKIBA sa Macapagal  Ave.

Dapat maalarama ang Department of Health!

ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …