Sunday , November 16 2025
ACT Teachers GSIS
PINANGUNAHAN nina Rep. Antonio Tinio (ACT Teachers Partylist) at Rep. Sarah Elago (Gabriela Women’s Party) kasama ang Makabayan bloc, sa paghahain ng House Resolution 415, nananawagan ng imbestigasyon sa P8.8 bilyong pagkalugi at kuwestiyonableng investments ng GSIS. Anila, kailangan nang marinig ang boses ng mga guro at kawani ng gobyerno. “Bilang mga teacher-leaders, ramdam namin ang bigat ng mga issue na ‘to — lalo na ang matagal nang hindi pagdedeklara ng dividends at cash benefits na dapat napupunta sa mga miyembro. Ilang taon na tayong naghihintay, kaya panahon na para managot ang dapat managot,” pahayag ni Ruby Ana “Titser Rubs” Bernardo, ACT (Alliance of Concerned Teachers) Philippines chairperson. Dagdag niya, “Gusto lang natin ng patas, malinaw, at tapat na pamamalakad sa GSIS — pera natin ‘yan, pinaghirapan natin ‘yan!” Ang nasabing GSIS investments ay ginawa sa pamumuno ni president and general manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso. Ipinagmalaki ng GSIS na ang nasabing investment ay nagpataas umano ng total assets sa P1.92 trilyon, net income na P100.2 bilyon at nagpalawig ng fund life ng pension fund hanggang 2058. Ngunit sa kabila ng ganitong pamamarali, patuloy na sinasabi ng mga guro --- hindi nila nararamdaman ang pag-angat ng pondo ng GSIS. (30)

P8.8-B lugi ng GSIS pinaiimbestigahan ng ACT sa Kamara

NAGPAHAYAG ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ng kanilang buong suporta sa mga House resolution na inihain ng Makabayan bloc sa pangunguna ni Rep. Antonio Tinio ng ACT Teachers Party-list at Rep. Sarah Elago ng Gabriela Women’s Party, na nananawagan ng congressional investigation sa naiulat na P8.8-bilyong lugi at kuwestiyonableng investment ng Government Service Insurance System (GSIS), kabilang ang hindi pagdedeklara ng taunang benepisyong cash para sa mga compulsory life insurance policy at kakulangan ng pagbibigay ng mga dibidendo para sa mga kalipikadong miyembro ng GSIS.

Nag-ugat ang panawagan sa rebelasyon ng mga dati at kasalukuyang GSIS trustees na nagsusulong ng agarang pagbibitiw ni GSIS President at General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso dahil sa mga over high-risk at poorly vetted investment na naging dahilan ng malaking pagkalugi, paglabag sa fiduciary duties, at kakulangan ng transparency.

Pahayag ni Ruby Ana “Titser Rubs” Bernardo, ACT Chairperson, isinasakripisyo ng mga guro at mga empleyado ng pamahalaan ang bahagi ng kanilang maliliit nang sahod para sa kontribusyon sa GSIS, sa tiwalang magiging maayos ang pamamahala sa pinaghirapang salapi.

Dagdag ni Bernardo, hindi katanggap-tanggap na ang mga pondong ito mula sa pinaghirapan ng mga guro at mga kawani ng gobyerno ay magamit sa mga kuwestiyonableng transaksiyon kabilang ang mga investment na may kinalaman sa sugal.

Kinondena ng ACT ang pagsira sa tiwala ng publiko dahil sa lantarang mismanagement ng mga pondong itinuturing na panghabambuhay na ipon ng  milyon-milyong kawani ng gobyerno.

Sa kabila ng pagmamalaki ni Veloso ng “strong growth” ng GSIS, hindi ito makita ng mga miyembrong nakatatanggap ng maliit na dibidendo sa kabila ng ilang dekadang puwersahang kontribusyon.

Kinonkondena rin ng grupo ng mga guro ang pagtaas ng mga multa at abusadong loan policies na lalong naglulubog sa utang sa marami sa kanila at lalong nagpapahirap sa sektor na nakatatanggap ng mababang sahod sa kabila ng mabigat na trabaho.

Binigyang-diin ng ACT, sa gitna ng “wellness break” para sa mga guro, mananatili ang pagsulong ng mga teacher-leaders para sa mga polisiyang tunay na magpapatatag sa mga karapatan at kalinangan ng mga guro – una rito ang proteksiyon sa pondo ng kanilang mga pensiyon.

Dagdag ni Bernardo, kabilang ang mga pagkilos na ito sa malawakang panawagan ng taong-bayan na wakasan ang korupsiyon at pananagutin ang mga nagnakaw sa kaban ng bayan.

Aniya, hindi mananatiling tahimik ang mga guro habang isinusugal ng mga nasa puwesto ang kinabukasan.

Ipinananawagan ng ACT at ng Makabayan bloc ang transparency at accountability sa lahat ng operasyon ng GSIS upang matiyak na maibabalik sa mga kawani ng gobyerno ang bawant pisong kanilang isinubi at hindi sa bulsa ng mga kurakot na opisyal. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …