Tuesday , November 11 2025
Cemetery

Maynila handa na sa Undas

KASADO na ang buong sistema ng Maynila sa All Saints Day at All Souls Day sa mga  public cemetery sa  lungsod.

Sinabi ito ni mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lahat ng mga frontline departments ng city government upang masiguro na maipatutupad at maibibigay ang mga pangangailangan sa Manila North, Manila South, at Islamic cemeteries ngayong Undas.

Sa isinagawang city government’s directional meeting kahapon, sinabi ni Mayor Isko na ngayon pa lamang ay dapat nang pumuwesto ang mga  tauhan ng  city hall bunsod ng inaasahang pagdagsa ng mga nais dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Paalala ng alkalde, ipinagbabawal ang pagtitinda sa loob ng sementeryo at tanging ang mga awtorisadong vendor na may itinalagang puwesto ang papayagang makapagtinda.

Ipinaalerto ni Yorme ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) upang gabayan ang mga magulang at guardian sakaling mawala ang kanilang mga anak. Nagtakda na rfin command posts para sa mga senior citizens at  PWDs.

Iniutos ng alkalde ang round-the-clock coordination sa Manila Police District (MPD), Department of Public Services (DPS), at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, kalinisan, at trapiko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Bodjie Dy III

Maging handa, magkaisa at huwag magpakampante

kay Uwan – Speaker Bodji ni Gerry Baldo NANAWAGAN si House Speaker Faustino “Bodj” Dy …