Tuesday , November 11 2025
Dead Road Accident

Kotse, truck nagbanggaan 3 patay sa Lanao del Norte

BINAWIAN ng buhay ang tatlo katao habang isa ang sugatan nang magkabanggaan ang daalawang sasakyan sa Purok 10, Brgy. Dalipuga,  lungsod ng Iligan, lalawigan ng Lanao del Norte, nitong Lunes ng hapon, 27 Oktubre.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bumangga ang isang kotseng Hyundai Accent sa isang 10-wheel truck.

Dahil sa lakas ng impact ng pagbangga, matindi ang pinsalang inabot ng harapan ng dalawang sasakyan.

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang driver at dalawang pasahero ng kotse, habang sugatan ang isa pa nilang kasama.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Iligan Police Station 3 ang driver ng truck na nahaharap sa kaukulang mga kaso kaugnay sa insidente.

Dinala ang dalawang sasakyan sa Iligan City Traffic Enforcement Unit (TEU) para sa imbestigasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Bodjie Dy III

Maging handa, magkaisa at huwag magpakampante

kay Uwan – Speaker Bodji ni Gerry Baldo NANAWAGAN si House Speaker Faustino “Bodj” Dy …