LIMANG LALAKI ang natagpuangwala nang buhay, pinaniniwalaang sangkot sa ilegal na pagmimina sa isang tunnel sa FCF Compound, Brgy. Runruno, sa bayan ng Quezon, lalawigan ng Nueva Vizcaya, nitong Martes, 24 Hunyo.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Daniel Paggana, 47 anyos, Lipihon Ayudan, 56, Florencio Indopia, 63, pawang residente sa Barangay Runruno; Alfred Bilibli at Joval Bantiyan, kapwa residente sa Barangay Cabuan, Maddela, Quirino.
Sa imbestigasyon, nadiskubre ng kanilang kapwa minerong si Russel Tumapang, 29 anyos, ang mga katawan ng mga biktima.
Iniulat ni John Babliing, barangay chairman ng Brgy. Runruno, sa Quezon MPS ang natuklasang mga labi sa lugar na kaniyang nasasakupan.
Tinatayang may lalim na 300 metro ang tunnel at hindi nakalabas ang mga biktima dahil sa kakulangan sa oxygen.
Patuloy na isinasagawa ang retrieval operations upang makuha lahat ng katawan ng mga biktima.