Monday , July 7 2025
Anthony Banayad Granada

Pagkamatay ng missing DLSU law student iniimbestigahan

MASUSING iniimbestigahan ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng naunang iniulat na nawawalang De La Salle University (DLSU) law student na natagpuang naagnas na ang bangkay at halos hindi na makilala sa isang bakanteng lote sa Brgy. Sapa, Naic, Cavite nitong Sabado.

Halos 15 araw na nawala, hanggang noong Sabado, 1:20 ng hapon nang madiskubre sa bakanteng lote na pag-aari ng MJRL Realty ang bangkay ng biktimang si Anthony Banayad Granada, 25 anyos.

Noong 8 Hunyo, 9:40 ng gabi huling nakitang buhay si Granada nang makunan ng CCTV camera habang naglalakad sa Saluysoy Bridge ng Brgy. Sapa, Naic, Cavite kasabay ng ulat na siya ay nawawala.

Nauna rito, nakunan din ng CCTV ang pag-alis ni Granada sa Ridgewood Premier Condominium sa C5 Road sa Taguig City noong 8 Hunyo, 6:30 ng gabi.

Agad na naghanap ang pamilya nito at mga awtoridad sa Naic hanggang matagpuan noong Sabado sa nasabing lugar ngunit wala nang buhay.

Agad nagtungo sa lugar ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) at iprinoseso ang crime scene na natagpuan ang isang drain clog free at isang botelya ng plastic sa tabi ng labi ng biktima.

Positibong kinilala ng kaniyang ama ang binata base sa suot na damit at mga kagamitan ng araw na idineklarang nawawala ang biktima.

Ayon sa Cavite Police ang biktima ay nakasuot ng kulay puting sweater, kulay asul na jogging pants na may dalawang kulay dilaw na stripes at kulay puting Crocs slippers.

Nabatid na si Granada ay nagtapos ng kurso sa UST Alfredo M. Belayo College of Accountancy. 

Ayon sa kanyang kapatid na si Ricky base sa kanyang paskil sa Facebook, “We just want to update [everyone] that my brother, Anthony Granada, has been found, but unfortunately, he is with our Creator now.

“As we navigate this period, we kindly ask for your understanding and respect for our family’s need for privacy to grieve in the moment.”

Sinabi ni Col. Rodel Pastor, hinihintay pa nila ang resulta ng awtopsiya bago nila ideklara kung mayroon o walang foul play sa insidente.

“Sa autopsy lang po tayo mag-rely kasi negative indication na may nakita na kausap o katagpo [si Granada],” pahayag ni Pastor, Taguig Police Officer-In- Charge (OIC) sa Varsitarian, ang opisyal na pahayagan ng mga estudayante sa UST.

“Or, kung makita pa sana ‘yong CCTV footages or ‘yong cellphone niya kung ma-recover…baka may importanteng details do’n.”

Nakiramay at naglabas ng pahayag ang De La Salle University Tañada-Diokno School of Law.

Anila, “De La Salle University Tañada-Diokno School of Law deeply mourns the loss of one of its students and sympathizes with the family and friends of the deceased.

“School administrators have been in contact with the family since the student was first reported missing, and guidance counselors are in constant communication with the classmates.”  (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Janet Respicio PSTMO

Posthumous commendation para kay TF Janet Respicio rekomendasyon ng PSTMO

IREREKOMENDA kay Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ni Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO) …

Kiko Pangilinan farmer

Sen. Kiko nanawagan sa NFA at LGUs
DIREKTANG BUMILI SA MGA MAGSASAKA

NANAWAGAN si Senador Francis “Kiko” Pangilinan  sa National Food Authority (NFA) at sa mga Local …

LTO Land Transportation Office

Lisensiya ng 10 taxi, TNVS drivers sinuspinde ng LTO sa takaw-singil

PINATAWAN ng suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng gabay ni Department of …

070725 Hataw Frontpage

60-ANYOS INA, MAG-ASAWA PATAY SA SUNOG
64-anyos padre de familia kritikal

TATLONG magkakapamilya ang namatay sa sunog na sumiklab sa isang residential compound sa San Mateo, …

Antonio Carpio Chiz Escudero

Senator-judges dapat shut-up lang
ESCUDERO BINUTATA NI CARPIO

HATAW News Team SINOPLA ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio si Senate …