Saturday , June 21 2025
ZEISS SMILE pro laser vision correction ipinakilala ng Fatima University Medical Center
(L-R) News anchor at event host Kim Atienza, Pangulo ng Fatima University Medical Center (FUMC) Dr. Vicente Santos, Jr.; Pulmonologist at ZEISS SMILE pro patient Dr. Nikki Payawal; at Head ng FUMC Refractive Surgery Dr. Jerome Sarmiento, sama-samang ipinakilala ang bagong rebolusyon sa laser vision correction gamit ang ZEISS SMILE pro. (HENRY TALAN VARGAS)

ZEISS SMILE pro laser vision correction ipinakilala ng Fatima University Medical Center

IPINAKIKILALA ng Fatima University Medical Center sa Antipolo, isang nangungunang tagapagbigay ng serbisyo sa pangangalaga sa mga mata sa Filipinas, ang ginagamit nila ngayon na makabagong teknolohiyang ZEISS SMILE pro sa kanilang laser eye surgery center.

Ang makabagong pamamaraang ito ng pagwawasto sa paningin gamit ang laser ay minimally invasive at nangangailangan lamang ng maikling panahon para sa paggaling. Layunin ng teknolohiyang ito na matulungan ang mas maraming pasyente na magkaroon ng malinaw na paningin nang hindi na kailangang gumamit ng salamin o contact lens.

Sa loob ng mga dekada, nangunguna na ang FUMC sa pagbibigay ng dekalidad na pangangalaga sa mata. Ang kanilang eksperto sa medisina, kasama ang pinakabagong teknolohiya sa pagwawasto ng paningin gaya ng ZEISS SMILE pro, ay nagpabago sa buhay ng maraming Pilipinong may kapansanan sa paningin.

Ang ZEISS SMILE pro ay isang minimally invasive na pamamaraan na idinisenyo upang itama ang nearsightedness at astigmatism. Gamit ang makabagong Zeiss Visumax 800 femtosecond laser, muling hinuhubog ng SMILE ang kornea sa pamamagitan ng isang maliit na hiwa, na pinananatili ang biomechanical na katatagan ng kornea at pinangangalagaan ang integridad nito. Ang maliit na hiwang ito ay nakatutulong din upang mabawasan ang dry eye pagkatapos ng operasyon. Tinatapos ang laser ablation sa loob lamang ng siyam na segundo—mas mabilis kumpara sa naunang teknolohiya ng SMILE. Dahil dito, mas komportable ang pasyente, mas episyente ang proseso, at mas mabilis ang paggaling.

“Ang paggamit namin ng Zeiss SMILE pro ay patunay ng aming dedikasyon sa pagiging tagapanguna sa hinaharap ng laser vision correction sa Pilipinas, sa pagbibigay sa mga Pilipino ng pinakabagong teknolohiya na sinusuportahan ng aming maaalaga at propesyonal na mga doktor at staff,” ayon kay Dr. Vicente Santos, pangulo ng Fatima University Medical Center. “Matagal na ang tagumpay ng FUMC sa pagbibigay ng mahusay na resulta para sa aming mga pasyente sa pangangalaga sa mata, at ang pinakabagong inobasyong ito ay lalong nagpapatibay sa aming pangako sa kahusayan sa serbisyong medikal.”

Ang Fatima University Medical Center ay kaagapay ng bawat Pilipino sa pagkamit ng mas malinaw at mas mahusay na paningin. Bukod sa laser vision correction, nag-aalok din ang FUMC ng kumpletong serbisyong pangangalaga sa mata, mula sa regular na check-up hanggang sa advanced na paggamot sa iba’t ibang kondisyon sa mata. Gawin ang unang hakbang patungo sa mas malinaw na paningin. Magpa-schedule ng konsultasyon sa FUMC Antipolo at tuklasin kung paano mababago ng kanilang galing at malasakit ang paraan ng iyong pagtingin sa mundo.

Tingnan ang mundo sa high definition. Magpa-appointment na ngayon.

FUMC Antipolo – Eye Center

Landline: (02) 8727-8845 ext. 2020

Mobile: 0967-462-2020 / 0951-816-2020

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Empowering OFWs, Fueling Innovation DOST Region 1 inks first iFWD PH project in La Union

Empowering OFWs, Fueling Innovation DOST Region 1 inks first iFWD PH project in La Union

𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗢, 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻 – In a significant milestone for migrant worker reintegration …

Rabin Angeles

Rabin Angeles pinadagundong mall sa Manila, fans pinakilig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NADESMAYA at nalungkot daw si Rabin Angeles sa fans nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga dahil tila …

San Jose del Monte CSJDM Police

Tatlong armado arestado
2 sekyu nailigtas sa mabilis na aksyon ng pulisya

ARESTADO ang tatlong lalaki matapos ireklamo ng pananakit, pananakot gamit ang baril, at pagdampot sa …

Bulacan Police PNP

Sa 24-oras na operasyon ng pulisya, 6 wanted sa batas nasakote

MATAGUMPAY na naaresto ng pulisya ang anim na indibidwal na na pinaghahanap ng batas sa …

No Firearms No Gun

Kawatan nanlaban, sapul sa pakikipagpalitan ng putok sa mga parak

SUGATAN ang isang lalakin matapos makipagpalitan ng putok kasunod ang mabilis na pagresponde ng mga …