Monday , June 16 2025
060425 Hataw Frontpage

PDEA naalarma, imbestigasyon ikinasa  
HIGIT P1.5-B SHABU NAISPATAN NG MGA MANGINGISDA SA WEST PH SEA

060425 Hataw Frontpage

nina MICKA BAUTISTA at ALMAR DANGUILAN

PINANINIWALAANG isang makabuluhang anti-drug breakthrough ang naganap matapos madiskubre ng grupo ng mga lokal na mangingisda ang pinaghihinalaang sako-sakong ilegal na droga habang naglalayag sa West Philippine Sea malapit sa Zambales.

Ayon sa kapitan ng mga tripulante, noong 29 Mayo 2025, dakong 5:30 ng hapon, namataan nila ang isang bangkang pangisda na maraming lumulutang na sako habang naglalayag sa karagatan ng West Bajo de Masinloc, Zambales.

Sa hinalang ang mga bagay ay naglalaman ng mga pakete ng pagkain, kinuha at binuksan ng mga tripulante ang mga sako — ngunit nabigla sila nang matuklasan ang laman ng mga sako na tila ‘shabu’.

Inihatid ng mga tripulante ang mga nasabat na sako patungo sa Mariveles, malapit sa Barangay Sisiman dakong 2:00 ng hapon noong 1 Hunyo 2025, dito pansamantalang inilagak ang 10 sako ng hinihinalang ilegal na droga sa isang floating barge.

Bandang 8:00 ng umaga nitong kamakalawa, 2 Hunyo 2025, iniulat ng kapitan ng bangka ang natuklasan sa Philippine Coast Guard (PCG) – Mariveles Sub-Station.

Agad na sinimulan ang isang coordinated response sa Mariveles Municipal Police Station (MPS), Bataan Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU), sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PColonel Marites A. Salvadora, officer-in-charge ng Bataan Police Provincial Office, at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Bataan Provincial Office.

Nagsagawa ng joint inventory sa mga nakuhang ilegal na droga, na sinaksihan ng isang kinatawan mula sa Department of Justice (DOJ), at mga kinatawan mula sa lokal na opisyal.

Ang mga kontrabando ay binubuo ng sampung sako na naglalaman ng tinatayang 222 kilo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P1.509 bilyon.

Kasunod nito, pinuri ni PBGeneral Jean S. Fajardo, regional director ng PRO3, ang mga awtoridad at ang mga tripulante sa pangingisda para sa kanilang mabilis at responsableng aksiyon para i-turnover ang mga ilegal na sangkap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About MICKA BAUTISTA at ALMAR DANGUILAN

Check Also

Nicolas Torre III

PNP Chief Torre sa mga pulis:
Serbisyong may malasakit pairalin

MAGSERBISYO nang may malasakit.                Mahigpit itong ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) chief Police …

Comelec Elections

Suspensiyon ng voter registration para sa BSKE posible — Comelec

POSIBLENG hindi matuloy ang nakatakdang voter registration na mag-uumpisa sa 1 Hulyo 2025 bilang paghahanda …

Tanso Copper Cable Wire

Sa Caloocan City
5 kelot, 1 menor de edad huli sa P.2-M ninakaw na kable

NASAKOTE ng Caloocan City Police ang limang lalaki, kabilang ang isang menor de edad sa …

Arrest Shabu

Tulak arestado sa P6.8-M shabu

DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na big time tulak matapos kumagat sa buybust ng mga …

061325 Hataw Frontpage

Impeachment trial vs VP Sara ongoing, alive & kicking — Risa

HATAW News Team HINDI ‘dead on arrival’ kundi nanatiling buhay, ongoing, alive and kicking ang …