
SAMANTALA, nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa pakikipagtulungan ng iba pang law enforcement agencies, para matunton ang pinagmulan ng lumutang na 10 sako ng shabu na nagkakahalaga ng ₱1,514,054,000 sa Masinloc, Zambales noong 29 Mayo 2025.
Kasabay nito pinuri ng PDEA ang 10 mangingisda na nag-ulat sa mga awtoridad sa natuklasang ilegal na droga.
“They (fishermen) chose to do what is right. Their vigilant efforts and honesty of surrendering their extraordinary find deserved recognition,” pahayag ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R Nerez
Ito ay matapos i-turnover nitong Lunes (2 Hunyo) ng 10 mangingisda mula sa Barangay Sisiman, Mariveles, Bataan ang 10 sako na naglalaman ng 223 vacuum-sealed transparent plastic packs ng hinihinalang shabu, na tumitimbang ng halos 222.655 kilo, sa magkasanib na elemento ng PDEA Bataan Seaport Interdiction Unit, Bataan Provincial Office at Philippine Coast Guard.
“The discovery of the floating shabu highlights the importance of community vigilance and diligence in reporting illegal drug activities. The action of our hero fisherfolks is an embodiment of what every member of our society should do, that is to contribute to the general welfare and security of our communities,” ayon kay Nerez.
Binigyang-diin ni Nerez, ang mabisa at mahusay na pagtutulungan ng PDEA at PCG sa pagsugpo sa pagpupuslit ng droga gamit ang malalawak na baybayin ng bansa.
Kinikilala din ng PDEA ang suporta ng Philippine National Police (PNP) sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga coastal municipalities.