ARESTADO ang39 aliens o mga dayuhan na nagtatrabaho sa isang major telecommunications company sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City,
ngunit lumalabag sa Immigration Laws ng Filipinas
ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).
Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na estriktong ipatupad ang immigration laws sa bansa.
Sa ulat ng BI, noong nakaraang linggo, 29 Mayo nang arestohin ng mga tauhan ng BI Intelligence Division, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police Southern Police District (PNP-SPD) ang mga dayuhan, pawang Chinese nationals, matapos na matuklasang nagtatrabaho sa bansa, na labag sa Philippine Immigration rules.
Nabigong magpresinta ang mga dayuhan ng legal travel documents sa isinagawang raid, kaya awtomatikong maituturing na sila ay undocumented aliens.
Sa beripikasyon, natuklasan na bagamat ang mga dayuhan ay may working visa, ito ay inisyu sa ilalim ng petisyon ng ibang kompanya, malinaw na paglabag sa kondisyon ng kanilang pananatili sa bansa.
Isinailalim ang mga inarestong dayuhan sa booking proceedings at kasalukuyang nakapiit sa BI detention facility sa Bicutan, habang nakabinbin ang deportation proceedings laban sa kanila.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, “Foreign nationals who wish to work in the Philippines must comply with all our laws and procedures. Those who enter under false pretenses or switch employers without proper authorization will face the full force of the law.
“This operation sends a strong message: the BI will not tolerate violations that threaten our national security and undermine our immigration system,” dagdag niya.
Isinagawa ang raid matapos ang ilang linggong surveillance at intelligence gathering, sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang government agencies.
Sinabi ni Viado, bahagi ito ng mas malawak nilang pagsisikap na tugisin ang mga illegal foreign workers sa bansa.