BINUKSAN ng Araneta City ang 2025 Binibining Pilipinas Glam Shot Photo Exhibit tampok ang mga 7-talampakang portrait ng mga Binibini sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2 noong Mayo 19, 2025.
Ipinapakita sa Binibining Pilipinas Glam Shot at National Costume Photo Exhibit ang batch ng 2025 Binibinis sa mga 7-talampakang larawan na kuha ng mga opisyal na litratista na sina Raymond Saldaña at Owen Reyes. Ang mga Binibini ay inayusan nina Patrick Henry Mergano, Kyle Magsino ng Klickbox Studios, at Frederick Reyes. Pinalamutian sila ng mga aksesorya mula kay Christopher Munar, habang ang disenyo ng set ay gawa ni Henry Reyes ng HGR Events. Ang makeup ay likha nina Win Denoyo, Jessie Maghuyop, Vee Jay Tuzon Eustaquio, Marlon Cañas, at Angelo Telebrico, habang ang hair styling ay mula kina Jey Flores, Yuto Manuyag, Raiza Hidalgo, Vincent Abad, at Jacob Reyes.
Tampok din sa exhibit ang mga portrait ng mga nagwagi sa Faces of Binibinis mula sa nakaraang dekada, kabilang sina Miss International 2016 Kylie Versoza (Face of Binibini 2016) at Binibining Pilipinas Universe 2019 Gazini Ganados (Face of Binibini 2019).
Pinangunahan nina Binibining Pilipinas International 2024 Myrna Esguerra at Binibining Pilipinas Globe 2024 Jasmin Bungay ang pagbubukas ng tradisyonal na Binibini photo exhibit na isinagawa sa pamamagitan ng isang ceremonial ribbon cutting noong Mayo 19 sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2. Dinaluhan ito nina Araneta City Vice President for Marketing Marjorie Go, Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) Trustee at Uniprom Inc. OIC Irene Jose, Binibining Pilipinas Jr. Executive Committee member Pia Ojeda, at sina Saldaña, Reyes, Mergano, Laserna, at ang mga kandidata ng 2025.
Ang Binibining Pilipinas Glam Shot Photo Exhibit ay bukas sa publiko mula Mayo 19 hanggang 21 sa Quantum Skyview, pagkatapos ay sa Gateway Mall 1 Activity Area mula Mayo 22 hanggang 28. Lilipat ito sa Ali Mall mula Mayo 29 hanggang Hunyo 4, at babalik sa Gateway Mall 1 Activity Area mula Hunyo 5 hanggang 11.
Ang pinakahihintay na grand coronation night ng ika-60 na edisyon ng Binibining Pilipinas pageant ay gaganapin sa Hunyo 15 sa Smart Araneta Coliseum. (HNT)