Sunday , June 15 2025
Win Abel

Dating aktor/model Win Abel nakalusot bilang konsehal sa Caloocan

NAIPANALO muli sa ikalawang pagkakataon ng dating actor/model na si Win Abel ang pagiging councilor ng Distrito 3 ng Caloocan.

Nakakuha ito ng 76,880 boto mula sa mga taga- District 3 ng Caloocan.

At sa kanyang pagkapanalo ay nagpapasalamat ito sa muling tiwala at suportang ibinigay ng kanyang ka-distrito. 

Iniaalay ni Win ang pagwawagi unang-una sa Diyos, sa kanyang pamilya, at sa kanyang mga supporter.

Post ni Councilor Win sa kanyang FB, “Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagtiwala at sumuporta. Para sayo ito Papa G   9-0 po sa third district ang Team Aksyon at Malasakit!

Ang serbisyong palaging ABELabol ay tuloy tuloy pa din. Muli po maraming salamat mga batang kankaloo.”

Pangako ni Win, lalo niyang pagbubutihin ang pagseserbisyo sa kanyang nasasakupan.

At isa nga sa sobrang saya sa  pagwawagi ni Win ay ang kanyang  pamilya, lalo na ang kanyang  guwapong kapatid si Dr. Joriz Kevin Abel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bagets The Musical

Bagets bubuhayin sa stage musical

I-FLEXni Jun Nardo BUBUHAYIN sa stage ng Newport Hotel ang 80s iconic movie na Bagets next year. …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz ClashBackers

Rayver, Julie Anne pangmalakasan opinyon sa ClaskBackers

I-FLEXni Jun Nardo PANGMALAKASAN ang bagong season ng GMA’s singing search na The Clash. Magbabakbakan kasi sa ongoing …

Arkin Lagman Pabalik Na

Model/actor Arkin Lagman recording artist na

MATABILni John Fontanilla Recording artist na ang model/actor na si Arkin Lagman under Old School Records and Star Music. Ipino-promote niya ngayon …

Patricia Javier

Patricia nag-ala sirena (Matapos maging Fairy Barbie)

MATABILni John Fontanilla FAIRY Barbie ang tema ng birthday ni Patricia Javier last year at …

Nicolas Torre III

PNP Chief Torre sa mga pulis:
Serbisyong may malasakit pairalin

MAGSERBISYO nang may malasakit.                Mahigpit itong ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) chief Police …