INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang hinimatay sa kalagitnaan ng kanilang pagboto sa Commonwealth Elementary School, sa lungsod, nitong Lunes, 12 Mayo.
Bukod sa matinding init, gutom dulot ng mahabang pila ang isa pang tinitingnang dahilan ng pagkahimatay ng tatlong botante kabilang ang isang teenager.
Agad silang tinulungan ng medical team na nakatalaga sa lugar upang mabigyan ng pang-unang lunas.
Pinaalalalahan ang mga botante na magbaon ng inumin at mga portable fan upang maiwasan ang heat stroke at huwag himatayin.
Ayon sa talaan ng Commission on Elections (Comelec), mayroong 39,120 rehistradong botante sa Commonwealth Elementary School.